Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNews‘Sama-sama at magkaisa para sa kaunlaran’ -- Gov. Fernando

‘Sama-sama at magkaisa para sa kaunlaran’ — Gov. Fernando

NAGING matagumpay ang oathtaking ceremony ng ikalawang batch ng mga bagong miyembro ng National Unity Party (NUP), matapos silang makapanumpa ng kanilang katapatan sa partidong pinangungunahan ni Gobernador. Daniel R. Fernando, Lalawigan ng Bulacan, na idinaos sa Cristina Hall, One Grand Pavilion Events Place & Villa, Blas Ople Diversion Road, City of Malolos, kamakailan.

Sa talumpati ni Bulacan Gov. Fernando, ay narito ang ilan sa kanyang mensahe na ating napakinggan: “Mapalakas natin ang kakayahang maglingkod tungo sa magandang pagbabago, para sa Bulacan, but of course our Country Philippines. Sa ating mga bagong members, thank you and congratulation! Sana ay patuloy tayong magkaisa, upang matupad natin ang adhikain ng ating partido NUP.

Dumalo din tayo kahapon sa Alyansa sa Bagong Pilipinas, Convention 2024, kung saan dumalo ang iba’t ibang lider, ng mga partido at ito po ay pinagkaisa ng ating Mahal na Pangulo BongBong Marcos, at kanyang pinangunahan. Sa pagtitipon kahapon kasama ang mga political party leaders, kasama ang NUP, binigyan diin ang kahalagahan ng pagsasama at pagkakaisa, para sa kaunlaran, pagbabago at maayos na kinabukasan.

Ito rin ang nais natin para sa Lalawigan ng Bulacan. Kaya naman inaasahan ko pong maging matatag tayo, mahalagang laban ng ating ipapanalo para sa mga Bulakenyo. Walang pinipili walang maiiwan.

Ang dami-daming pagsubok na pinagdaanan ng ating probinsiya partikular na ang nagdaang sakuna at kalamidad, nariyan din ang mga isyu, isyu sa ating lahat, sa amin. Pero nais kong ipahayag na nanatiling matatag ang ating samahan kasama po ang ating Vice Governor Alexis Castro.

Nananatiling ‘solid’ ang Fernando-Castro para sa ating Bulakenyo. May mga pangarap kasama po kayo doon. Mga plano natin kasama ang ating Vice Governor and hopefully andoon pa rin ang pagkakaisa, kailangan po natin patatagin ang ating pagsasama-sama at sana patuloy ninyo kaming samahan upang matupad natin ang lahat ng ito,” pahayag pa ni Fernando.

Sa talumpati rin ni Vice Gov. Alex Castro ay iginiit nito ang pagkakaisa sa samahan, kung saan naikwento niya ang kanyang pinagdaanang karanasan hinggil sa usaping pagkakaisa.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang pagkakaisa sa loob ng isang politikal na grupo ay tumutukoy sa sama-samang kasunduan at pagtutulungan ng mga miyembro nito tungo sa mga iisang layunin at mithiin. Ito ay mahalaga para sa mabisang pamamahala at paggawa ng desisyon, dahil pinalalakas nito ang pagtutulungan at pinapaliit ang mga panloob na salungatan.

Gayunpaman, maaaring maging mahirap ang pagkamit ng pagkakaisa dahil sa magkakaibang opinyon, pinagmulan, at pagpapahalaga sa mga miyembro. Ang isang matagumpay na grupong pampulitika ay dapat balansehin ang mga pagkakaibang ito habang pinapanatili ang isang ibinahaging pananaw na iginagalang ang mga indibidwal na paniniwala.

Nangangailangan ito ng bukas na pag-uusap, paggalang sa isa’t isa, at isang pangako sa mga demokratikong prinsipyo na nagbibigay-daan para sa malusog na debate at hindi pagkakasundo nang hindi nasisira ang pagkakaisa ng grupo. Hanggang sa muli! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments