Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBokal Ricky Roque, muling naghain ng COC para sa Singko Distrito

Bokal Ricky Roque, muling naghain ng COC para sa Singko Distrito

LUNGSOD NG MALOLOS — Muling naghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Bokal Ricky Roque para sa kanyang ikalawang termino sa The Pavilion ng Hiyas Convention Center sa nasabing lungsod noong Martes (Oct. 1).

Nais ni Bokal Roque na maipagpatuloy ang tapat na paglilingkod sa mga Bulakenyo lalo na ’yung mga taga-Distrito Singko.

Ayon kay Bokal Roque, “Sa pagpasa ng aking COC, iniaalay ko ang aking sarili at kakayahan para sa kapakanan ng ating bayan. Sama-sama nating isulong ang diRediRetsong Serbisyo para sa Distrito Singko.”

Ayon kay Bokal Roque, “Sa pagpasa ng aking COC, iniaalay ko ang aking sarili at kakayahan para sa kapakanan ng ating bayan. Sama-sama nating isulong ang diRediRetsong Serbisyo para sa Distrito Singko.” (Mula sa FB page ni Bokal Roque)

“Ang inyong suporta ay mahalaga sa aking laban para sa mas maliwanag na kinabukasan,” dagdag pa ni BM Roque.

Buo naman ang suporta ng magulang at matandang kapatid ni Bokal Roque na si Pandi Mayor Rico Roque.

“Para sa isang mahalagang hakbang – naghain siya ng COC para ipagpatuloy ang kanyang serbisyo sa ating Distrito,” ani Mayor Roque.

Bilang nakatatandang kapatid, nakita ko kung gaano niya binibigay ang oras at effort para makapagserbisyo sa bawat pamilya dito sa atin. Alam kong mahal niya tayong lahat at gusto niyang mas mapabuti pa ang ating komunidad.

Saad pa ng alkalde, “Sana po ay ipagdasal natin ang kanyang laban sa susunod na termino. Suportahan natin ang isang lingkod-bayan na talagang nagmamalasakit sa atin. Tuloy-tuloy lang tayo sa pagtutulungan, para sa mas maunlad na Distrito Singko!”

Ang Distrito Singko ang sumasakop sa mga bayan ng Pandi, Balagtas, Bocaue at Guiguinto. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments