NAPAKA-LIBERAL ni Uncle Sam sa pag-respeto ng human rights ng kanilang nasasakupan. Dito sa San Francisco California ay nagdiriwang taon-taon ng “Folstom Street Fair” na ino-organisa ng grupong sumusuporta sa LGBTQ2S+ Communities.
Ang paggunita nito kada taon ay may political na intension para pigilan ang pagpuksa sa Karapatan ng tao bilang miyembro ng grupong naturan. Dinarayo ito ng halos kalahating milyon na bisita para makilahok.
Kamakailan ay Nakiisa at Nasaksihan natin ang dagsa ng tao sa piging at saksi na may kani-kanyang eksena mula sa pagsusuot ng costume na may ‘kinky statements’ at ibat-ibang malikhaing desensyo. Kalimitan dito ay naka itim ng leather jackets o pansuot at ginawan ng disenyong angkop sa kanilang interes at personalidad.
Walang “inhibition” ang mga sumasali sa street fair na ito at hindi alintana sa dami ng taong nanonood sa kanilang mga ‘antics at performances’. Maihintutulad ito sa ‘gay pride’ na parada na taunang ginagawa worldwide. Exciting at makulay ang kanilang daigdig lalo na sa mga unang nakaranas makapanood nito.
Inumpisahan ang movement na ito noong 1960s sa ‘The Men’s Leather bar’ sa Kalye ng Folsom. Mula noon ay patuloy pang dumadami ang mga sumusuporta sa layuning maging ‘safe at inclusive’ ang komunidad ng LGBTQ2S+.
Exciting para sa mga first timer ang ganitong kaganapan, bukod sa dagsa ng taong pumaparada ay pansin ang demograpiya sa mga bisita at napaka diverse kung iyong susuriin. Pansin ang respeto sa gender expression at sexual orientation, ethnicity at origin. may vendors sa paligid ng mga inumin gaya ng juices, tubig at alak, may stage performances at ‘kinky activities’ sa kalye.
Ang main attraction ng fair ay ang mga taong dumarayo dito para makakita ng bago at interesting na kaganapan angkop sa kanilang interes at pantasiya. kalimitang kasuotan ay mga ‘fetish gear’ gaya ng naka-naka chain hila ng kapartner na naglalakad, naka-maskara, nakahubo at kanya -kanyang pabongga sa tugtog ng mga live bands at exciting DJs.
Ano ang pahiwatig ng ganitong mga aktibidades? Ang respeto sa pagiging malaya sa ekspresyon bilang tao ano man ang paniniwala, relihiyon, race, at sexual preference sa pamamaraang suportado ng kanilang gobyerno bilang isang masaya, safe, wild, sexy party para sa lahat ng walang alinlangang mahusgahan ng mga taong mapaghusga at salungat sa paniniwala ng iba.
TAOS PUSONG PASASALAMAT: Kina Insan Lourdes Harder, Kuya Pol Hardr, Ate Ester Bahm, Liza Garcia at sa grupo ng Reno Nevada (Liezl at Coney) sa kanilang mga sorpresa at alaga. Happy Birthday kay Carla Magpayo at reserving the best for last, Koala Takei ng Hayward CA. sa kanyang walang sawang suporta. (UnliNews Online)