Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeAng ‘Medya Pipol’ ng mga nagdaang Dekada

Ang ‘Medya Pipol’ ng mga nagdaang Dekada

Feature Article
Ni Manny C. Dela Cruz

NAKAGUGULAT ang bilang ng mga mamamahayag ngayon sa lalawigan ng Bulacan na ayon sa obersbayon ng ilang concerned citizens ay aabot sa humigit kumulang 80 ang bilang ng mga ito at ipinapalagay na may mga media people mula pa umano sa Metro Manila ang umoorbit na rin sa anim na distrito ng Bulacan, maging sa Kapitolyo.

Ang malaking bilang ng mga mamamahayag na nabanggit ay malimit makita sa malalaking event sa kapitolyo at kamakailan lang ay humugos din umano ang mga ito sa tanggapan ni Malolos City Mayor Christian D. Natividad. Noong dekada 90 mabibilang sa mga daliri ang bilang ng mga mamamahayag sa Bulacan noon na nag-cover sa opisina ng mga mayor. Iba ang grupo ng nga peryodista at iba ang grupo ng mga brodkaster.

Ang mga kilalang broadsheet national reporter noon ay sina Art Sampana, ng Philippine Daily Inquirer; Bert Padilla, Manila Bulletin, , Eli Villamoran, Manila Times; Ben Gamos & Emil Gamos, Manila Standard; Rey Domingo, Daily Globe; Roy Reyes, Philippine Star; Manny Dela Cruz & Danny Gravador, Diario Uno. Ang mga writer naman ng national weekly magazine noon ay sina Jun Sese, Pilipino Reporter; Manny Dela Cruz, Filipino Magazine & Liwayway Magazine

Ang mga national tabloid reporter noong 90s ay sina Nene Bundoc-Ocampo, Pilipino Star Ngayon; Alex Silva, People’s Journal Tonight; Rod M. Reyes, People’s Journal; Jun Borlongan, Abante; Sebio Cruz, Bagong Araw; Omar Padilla, Daily Balita; Freddie Velez, Danny Mario, Daily Crime Watch. Ang mga Bulakenyo namang nagtatrabaho sa news publication noon ay sina Ramon Efren Lazaro, Philippine Daily Inquirer; Manny D. Balbin, People’s Journal; Orlan Mauricio, People’s Tonight, at Maricar Evangelista, Balita Tabloid.

Ilan lang ang mga radio broadcaster na nagko-cover noon sa Bulacan, sina Pete Buluran, DZRH; Efren Alcantara, DZXL; Emil Recometa, Ledy Tantoco, DZMM; Mar Urrutia, Mariz Jaucian, DZME; Rommel Manahan, DWBL; Boy Demaala, DWBL, Archie Jimenez, at Freddie Velez, ng DWAN Radio at iba pang Manila-based radio reporters na nagko-cover sa Bulacan.

Ang mga provincial Weekly newspaper na nagsisirkulo sa Bulacan mula noong 1980 ay ang Luzon Times, Mabuhay, Reflector, Bagong Bulakenyo, Metro Newsweek at iba pa. Kung pagsasama-samahin ang lahat ng mamamahayag na nagko-cover noon sa lalawigan ng Bulacan ay kakaunti lamang.

Kung tawagin ang mamamahayag noon ay working media. Ang tradisyunal na gawain ng mga peryodista at radio reporters noon ay kumalap ng balita sa mga istasyon ng pulisya para sa police story at kung kulang sa pamasahe ang reporter para pumunta sa malalayong kampo ng pulisya tulad ng 145th at 175th PNP companies ay sa Camp Alejo na lang kumakalap ng balita.

Sa Camp Alejo kasi ibinabato ng radio operators mula sa mga police station sa Bulacan ang mga pangyayaring naitatala sa kani-kanilang istasyon araw-araw. Doon ay titipunin ang mga police reports at ilalagay sa journal at doon naman kokopyahin ng mga reporter ang reports sa journal tulad ng crime stories saka naman ni gagawin ang news story.

Sa dekadang iyon ay mayroong mga alkalde ang galit sa reporter dahil mahigpit na umiiral noon ang balance reporting hindi puro puri ang istoryang sinusulat ng mga mamamahayag. Wika nga, “their (media) are willing to praise and hit.” Kapag may mga puna at reklamo sa mga halal ng bayan ay hindi puwede na hindi isusulat ng mga reporter kahit magalit pa sa kanila ang mayor, vice mayor, at mga konsehal ng bayan. Kaysa naman ang kanilang mga editor ang magagalit sa kanila. Kahit nga ang gobernador ay hindi libre sa mapanuring opinyon ng media.

Kabaliktaran naman umano sa laro ng media sa kasalukuyang panahon na kahit ano na lang ay isinusulat ng mga reporter sa mga pulitiko na kanilang pinapatronahe. Sa pakiwari ng mga kritiko ay hindi na umano umiiral sa mundo ng media ang patas at walang kinikilingang pamamahayag.

Marahil nga ay tanggap na ng marami lalo na ng mga halal ng bayan ang bagong tradisyong umiiral sa mundo ng pamamahayag lalo pa at napakarami ng mga mamamahayag na ang nagko-cover sa mga tanggapan ng mga alkalde maging sa tanggapan ng punong lalawigan sa Bulacan.

Iyan na umano ang trend at mahirap ng baguhin kaya mapapalad ang mga responsableng reporter na kung tawagin ay taga sa panahon dahil naranasan nila ang igalang at respetohin ng mga opisyal ng bayan at pangilagan din naman ng mga corrupt public official dahil ang katwiran ng mga media people noon at hindi dapat binubusalan ang katotohanan dahil ang media ay middle o gitna parehas magbalita. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments