Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTMayor Narding De Leon. Ang Pagbabalik

Mayor Narding De Leon. Ang Pagbabalik

NASAKSIHAN ko at nang aking mga kasamang mamamahayag na sina Rommel Manahan at Louie Angeles, ang pagpa-file ng certificate of candidacy (COC) ni Angat former Mayor Leonardo “Narding” De Leon at ng kanyang running mate na si Oca Suarez. Kasama ni Mayor Narding na nag-file ng COC ang mga kandidatong kagawad ng Team Narding/Oca.

Pagkatapos ng COC filing ay nagpictorial ang buong team at nagtungo na sa isang resort at doon ay isinagawa ang maikling program kung saan ay unang nagbigay ng kanilang pagbati at pasasalamat ang mga kandidatong konsehal pati ang kandidatong vice mayor. Si Mayor Narding ang huling nagbigay ng kanyang mensahe sa mga Angateños.

ANGAT former Mayor Leonardo “Narding” De Leon

Ang linyang sinabi ni Mayor Narding na pumukaw sa aking atensyon ay nang sabihin niya na bakit pa siya tatakbo sa mayoralty race gayong siya ay matanda na. Dapat sana ay nasa yugto na lang siya nang pamamahinga at i-enjoy na lang ang mga nalalabing panahon sa kanyang buhay.

Pero hindi niya hahayaang biguin ang matinding pagnanais ng kanyang mga kababayan na muli niyang pamunuan ang bayan ng Angat. Kaya dumaan muna siya sa maraming konsultasyon kung marapat ba na pakinggan niya ang hiling ng nakararaming Angateños. Sinangguni rin umano niya ang kanyang pamilya at kanilang napagpasyahan na mas mahalagang dinggin ang hiling ng mga Angateños.

Ngayon ay opisyal ng kandidato para sa pagka alkalde ng bayan ng Angat si Mayor Narding. Kaya naman gayon na lamang ang kagalakang sumapuso ng mga Angateños dahil dininig ni Mayor Narding ang kanilang panawagan na tumakbo bilang mayor ng Angat ang kanilang Tatay Narding kaya naman punong puno ng mga tao na pawang pula ang pang itaas na kasuotan ang buong resort kung saan idinaos ang programa at pananghalian.

Totoo naman na wala sa bata o matanda ang maglingkod sa bayan kungdi nasa kakayahan. Nais ni Mayor Narding na muling ibalik ang saya ng mga Angateños kaya naman nangangako siya na ibayong kaunlaran ang matatamo ng bayan ng Angat kapag siya ay muling iniluklok sa luklukan ng kapangyarihan ng may kapakumbabaan. Kaya abangan ang muling pagbabalik sa munisipyo ng “Alamat ng Angat”. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments