Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsTambalang Fernando at Castro, patuloy na maglilingkod sa mga Bulakenyo

Tambalang Fernando at Castro, patuloy na maglilingkod sa mga Bulakenyo

Naghain ng kanilang COCs para sa kanilang panibagong termino!

Nina Manny D. Balbin & Verna Santos

LUNGSOD NG MALOLOS — Nais nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis Castro na ipagpatuloy ang kanilang tapat na paglilingkod sa mga Bulakenyo ng maagang maghain ng kanilang certificates of candidacy (CoCs) para sa 2025 midterm elections sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa naturang lungsod noong Martes (Oct. 1).

Bago maghain ng kanilang kandidatura, dumalo muna sina Fernando at Castro sa isang 6 a.m. Banal na Misa sa Malolos Cathedral kasama ang buong provincial slate ng National Unity Party at kanilang mga tagasuporta.

Si Fernando ay naghahangad ng kanyang ikatlo at huling termino ng paglilingkod habang si Castro ay naglalayon sa kanyang ikalawang termino sa panunungkulan.

Sa naging panayam kay Fernando, sinabi nito na ang kanyang prayoridad na programa para sa susunod na tatlong taon ay ang pagsusulong ng isang mega dike at water reservoir project upang matugunan ang ilang dekada nang problema ng pagbaha sa lalawigan.

“Bukod sa mega dike at water impounding ay uunahin natin ang dredging operation simulan sa mga kailugan sa lalawigan ng Bulacan kung saan, sana ay isasagawa natin ang launching ng desilting ngayong Oktubre,” dagdag pa ng gobernador.

Sa kanyang panig, sinabi ni Castro na buo ang suporta niya kay Gob. Fernando, lalo na ang 10-point agenda nito na siyang sentro ng paglilingkod ni Fernando.

“Importante na lagi na nakasuporta sa executive ang legislative branch sa lahat ng layunin at programa ng gobernador, ipagpapatuloy natin ang very efficient na Sangguniang Panlalawigan sa mabilis na pagpasa ng mga ordinansa na kapaki-pakinabang sa mga Bulakenyo,” ani Castro.

Parehong showbiz personalities sina Fernando at Castro bago pumasok sa pulitika.

Ang iba pang inaasahang tumakbong gobernador ay sina dating Gobernador Wilhelmino Alvarado sa ilalim ng PDP-Laban at dating Meycauayan City Vice Mayor Salvador Violago sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments