Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsMas mataas na pondo para sa state universities at colleges sa 2025,...

Mas mataas na pondo para sa state universities at colleges sa 2025, isinusulong

MULING pinatunayan ni Senador Pia S. Cayetano, Senior Vice Chair ng Senate Committee on Finance, ang kanyang matibay na dedikasyon sa sektor ng higher education nang pangunahan niya ang pagdinig sa budget ng Commission on Higher Education (CHED), mga State Universities and Colleges (SUCs), at University of the Philippines (UP) System para sa Fiscal Year 2025.

Ito ang ika-anim na taon na isinusulong ng Senador ang mas mataas na pondo para sa mga tertiary education institutions sa bansa.

Sa kanyang opening statement, binigyang-diin ni Senador Cayetano ang kanyang patuloy na pagsisikap na taasan ang pondo ng SUCs sa nakalipas na anim na taon. “With the support of our former Senate Finance Committee Chair, now Education Secretary Sonny Angara, we’ve managed to secure an annual increase in the budget of SUCs, with fiscal year 2024 marking the biggest budget allocation yet [Sa suporta ng ating dating Senate Finance Committee Chair, at ngayo’y Education Secretary Sonny Angara, nasiguro natin ang pagtaas ng pondo ng ating SUCs kada taon, at ang pondo para sa Fiscal Year 2024 ang may pinakamalaking alokasyon sa kasalukuyan],” ani Cayetano.

Ayon sa Senador, ang kanyang layunin para sa 2025 budget ay pataasin pa ang pondo ng SUCs mula sa lebel ng National Expenditure Program (NEP), upang mapantayan o kaya’y higitan pa ang lebel ng 2024 General Appropriations Act (GAA). Inaasahan niya ang suporta ng kasalukuyang Finance Chairperson na si Senador Grace Poe.

“This investment in our SUCs is an investment in our nation’s future, empowering the next generation of leaders and innovators [Ang investment na ito para sa ating mga SUCs ay isa ring investment para sa kinabukasan ng ating bansa, at para na rin sa susunod na henerasyon ng mga lider at innovator],” diin ni Senador Cayetano.

Binanggit din ng Senador ang kahalagahan ng pagkakaroon ng access sa quality higher education at lifelong learning bilang mga pangunahing pamantayan sa pagpapalawak ng potensyal ng bansa at paglikha ng oportunidad para sa mga mamamayan nito. Muling pinagtibay ng Senador ang kanyang paninindigan na makamit ang inclusive, equitable, at universal quality education sa pamamagitan ng patuloy na pag-invest sa sektor ng edukasyon at mga ahensya nito.

Para sa Fiscal Year 2025, ang nakalaang budget para sa CHED ay Php 30.1 bilyon; Php 113.7 bilyon naman para sa mga SUCs (kasama ang UP); at Php 22.3 bilyon para sa UP System.

Bago ang pagdinig, pinangunahan nina Senador Cayetano at CHED Chairperson Prospero De Vera ang Seremonya para sa pagkakaloob ng Seed Fund Grants sa pitong (7) unibersidad para sa kanilang Doctor of Medicine Programs.

Mula 2021, pinondohan ang programang ito sa inisyatiba ni Senador Cayetano, na naglalayong paramihin ang mga medical State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa. Inilunsad ito bilang paghahanda sa inaasahang pagtaas ng demand para sa medical education, kasunod ng pagpasa ng Doktor Para Sa Bayan Act, na inakda ni Senador Joel Villanueva at co-sponsor naman si Senador Cayetano. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments