Wednesday, October 16, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News4 todas sa patisan sa Obando

4 todas sa patisan sa Obando

OBANDO, Bulacan — Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng 4 na lalaking trabahador sa pagawan ng patis sa nabanggit na bayan noong Huwebes ng hapon (Oct. 3).

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Rodolfo Tolentino, caretaker; Michael Lumukso, Eduardo Salomag at Raffy Felix; kapwa nasa hustong gulang at mga construction worker.

Sa report ng Obando Police, naganap ang insidente bandang alas-2 ng hapon nitong sa may pabrika ng “Tentay Patis” sa Brgy. Panghulo.Lumalabas din ang inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na isang tawag sa telepono ang natanggap ng Obando Police Station mula sa isang Luis Galves, Admin Officer ng Barangay Panghulo.

Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng pulisya sa nasabing lugar para magsagawa ng imbestigasyon.

Napag-alaman na isang Allan Dela Cruz, 51, helper ng isang Alfredo Santos, may-ari ng nasabing lugar, ang nagsabi na namataan niya ang isa sa biktimang si Rodolfo Tolentino na nakahandusay sa konkretong tangke na may 12-ft ang lalim.

Sinabi rin niya na lilinisin na sana ni Tolentino ang nasabing tangke nang mawalan ito ng malay.

Pagkatapos noon, humingi ng tulong si Allan sa mga taong nagtatrabaho sa loob ng lugar, pagkatapos ay tatlo pa ang rumesponde sina Lumukso, Salomag, at Felix, pawang mga construction worker ngunit nabigong iligtas ang unang biktima at nalagutan din ng hininga

Isinagawa ang rescue at retrieval operation ng Obando BFP at MDRRMO ngunit patay na ang mga biktima. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments