LUNGSOD NG MALOLOS — Kung dati ay magkakaiba ang kanilang political color, magkakaiba ang idelohiya at ipinaglalaban, magkakaiba ang partido, ngayon ay nagkakaisa at sama-samang hahakbang tungo sa iisang layunin at hangarin, ang mapagsilbihan ng tapat hindi lang ang mga Malolenyo bagkus ang buong lalawigan na walang iiwan o maiiwanan, at ito ang uukit sa kasaysayan ng Bulacan.
Ang bagong grupo ay nagsimula na magkakaiba. Sinundan ng mahabang laban, pinag-hilom ng pagpapakumbaba ang bawat isa, Nagbunga ng pagkakaisa para sa iisang mithiing maging bahagi ng masalimuot na gampanin para sa mabuting Bayan.
Ang bagong grupo ay nagsimula na magkakaiba. Sinundan ng mahabang laban, pinag-hilom ng pagpapakumbaba ang bawat isa, Nagbunga ng pagkakaisa para sa iisang mithiing maging bahagi ng masalimuot na gampanin para sa mabuting Bayan.
Pormal ng naghain ng Certificate of Candidacy (COCs) noong Sabado (Oct. 5) para sa kanilang panibagong termino sina Mayor Christian D. Natividad at ang kanyang magiging Vice Mayor na si Miguel Alberto T. Bautista.
Pinangunahan nina Natividad at Bautista ang ONE MALOLOS at kasama bilang mga city councilors sina incumbent Kon. Atty. Konsehal Dennis “Konde” San Diego, Kon. Troi Aldaba III at Kon. JV Vitug, Poncho Arcega, Miel Agustin, Geli Bulaong, Atty. Charles Kevin, ABC Jun Cruz, dating Vice Mayor Len Pineda at Kapitan Jawo Hernandez.
Bago maghain ng kanilang mga COCs, dumalo muna sa isang banal na misa sa Malolos Cathedral ang buong line-up ng naturang partido kasama sina Governor Daniel R. Fernando, Vice Governor Alex Castro at Congressman Danny Domingo ng Unang Distrito ng Bulacan. (UnliNews Online)