Tuesday, December 17, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionBM Allan Andan, babalangkasin ang 4 na mahahalagang programa para sa Unang...

BM Allan Andan, babalangkasin ang 4 na mahahalagang programa para sa Unang Distrito

PORMAL nang naghain ng Certificate of Candidacy si Bokal Allan Andan sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko (DM) para sa kanyang kandidatura sa bilang Kinatawan sa Kamara ng Unang Distrito ng Bulacan noong Wednesday (Oct. 2).

Matapos na makapaghain ay nagpaunlak ito ng maikling panayam sa mga mamamahayag ng Bulacan at inilatag ang kanyang layunin para sa Unang Distrito kung sakaling siya ay palarin na maluklok.

BM Allan Andan seeks Congressional seat in Bulacan 1st District. (Kuha ni Allan Casipit)

Inihayag ni BM Allan Andan na nais niyang balangkasin ang (4) apat na mahahalagang programa para sa Unang Distrito ng Bulacan.

Una na rito ang Edukasyon, gaya ng pagkakaloob ng iskolar sa mga kabataang nais makatapos ng pag-aaral ngunit salat sa pinansiyal. Mga kabataang may angkin talino at galing sa pag-aaral.

Pangalawa rito ay ang Kalusugan, tamang pagtugon sa mga kababayan na nasa ospital lalong higit ang mga pasyenteng nasa pampublikong ospital. Aniya, karaniwan sa mga pasyenteng naroroon ay mga nasa mababang antas ng pamumuhay.

Kaniya rin pahahalagahan ang Kalikasan upang maisaayos at hindi maaabuso ang ating mga likas na yaman mula sa Inang Kalikasan. At pagsasaayos ng ating mga basura upang hindi maging sanhi ng pagbara sa mga kanal at kailugan.

At ang ika-apat ay ang Imprastraktura sa tamang konstraksyon. Hindi tama na tayo ay baklas lamang ng baklas, ang dapat ay tama at nararapat na mga pagawain na naayon sa halaga ng proyekto.

Nais ni Andan na kung bibigyan ng pagkakataon na maupo bilang Kinatawan ng lalawigan ng Bulacan Kamara de Kongreso, sisikapin niyang maibigay ang tamang paglilingkod sa pamamagitan ng paglikha ng mga batas para sa mas ikakaganda ng antas ng pamumuhay ng mga taga-Unang Distrito.

Sa kanyang pagtatapos, pinasalamatan niya ang mga ka-distrito na sumuporta sa kanya sa loob ng siyam na taon bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments