Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsParty-list DFMI, pormal nang naghain ng kandidatura

Party-list DFMI, pormal nang naghain ng kandidatura

MANILA — Sa ikapitong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa darating na 2025 midterm elections, ang mga kinatawan ng Damayang Filipino Movement Incorporated (DFMI) Party-list mula sa lalawigan ng Bulacan ay pormal nang nagsumite ng certificate of nomination and acceptance noong Monday (Oct. 7)

Kakatawanin ang naturang party-list ni 1st nominee Athenie R. Bautista, 2nd nominee Arch. Noel Ramirez at 3rd nominee Atty. Macky Siason.

Personal na sinamahan ni DMFI Founder People’s Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Alex Castro ang mga nominado ng nabanggit na party-list sa paghahain ng kanilang kandidature.

Aniya, malaki ang maitutulong ng marginalized sector na Damayang Filipino Movement Inc. sa pangangailangan ng komunidad.

Tiniyak naman ng mga nominado ng DMFI, na ipagpapatuloy nila ang mga nasimulan na pagtulong sa mamamayang Pilipino sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay 1st nominee Athenie R. Bautista, tututukan ng Damayan Filipino Party-list ang pagpapalawig ng health program sa pamamagitan ng aktibong medical mission partikular na sa mga remote barangay sa bansa

“Sakaling palarin na makalusot sa 2025 Midterm Elections ang DFMI, mas pag-iibayuhin pa nila ang pagbibigay ng suporta sa taumbayan sa pamamagitan ng paghahatid ng tulong medikal, mga programang livelihood, serbisyong legal at iba pa,” ani Athenie R. Bautista.

Nabatid na si Gov. Fernando ang Founder ng Damayang Filipino Movement Inc. at ito ay itinatag noong 2008 noong siya ay Board Member pa lamang ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan.

Matatandaang noong taong 2013 ay nakilala ang DFMI sa pamamagitan ng kanilang Computer School on Wheels project para sa mga Bulakenyo. Ang mga mobile classroom na inilunsad sa buong probinsya ay isang malaking hakbang para sa mga Bulakenyo na nagpabuti ng kanilang kaalaman sa mga kasanayan sa kcomputer at nakatulong sa kanila na makakuha ng magandang trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na access sa impormasyon.

Ang DFMI ang siyang naging katuwang ni Fernando sa Bulacan upang magampanan ang kanyang mga adbokasiya partikular na sa paghatid ng tulong sa mga mahihirap na hindi nakakarating sa Kapitolyo.

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments