BILANG isang propesor ng unibersidad sa bansa, Masarap namnamin ang respetong aming natatanggap mula sa aming estudyante, co-teachers, at magulang mula sa halos buong mundong paggunita ng ‘Teacher’s Day’.
Maraming programa at preparasyong ginagawa ang mga estudyante mula pribado at public na paaralan para i-surpresa ang kani-kanilang guro sa mahalagang araw na ito. Matanong ko nga lamang, paano ba natin binibigyan ng parangal ang mga guro na kasalukuyang panahon?
Ang pagtuturo ay isang marangal ng propesyon at ako ay naniniwala na isang ‘destiny’ ang kapalarang maging bahagi ng pag-lilinang sa dunong at dangal ng mga mag-aaral. Kasama ang guro sa ‘nation building at development dahil sa responsableng pag-bibigay ng karunungan sa ating kabataan.
Mabigat ang misyon ng guro para ihanda at hubugin ang Kabataan sa pagiging responsableng mamamayan ng bansa. Ano mang antas o lebel ang itinuturo ng isang guro, malaking bahagi siya ng pag-hulma sa kinabukasan ng mga Kabataan bilang pangalawang magulang.
Mataas ang pagpapahalaga sa isang guro na saklaw ang pagiging gabay sa mga mag-aaral bilang guidance counselor, nurse, sports at life coach, at tagapayo na handang umalalay sa lahat ng bagay.
Napaka-challenging ang role ng isang guro sa panahon ngayon, ‘walang tulugan’ ika nga. Matapos ang klase at maraming preparasyon pa ang kailangang gawin mula grades, attendance, lesson and test preparations, syllabus updates at attendance sa meetings, symposiums at conferences para sa dagdag kaalaman ng teacher. Abono kadalasan sa mga research endeavors at instructional materials na importante bilang pag-improve sa kalidad ng pagiging isang dalubhasa sa larangan.
Nakababahala din ang pagiging guro sa panahon ngayon dahil sa pagsulpot ng teknolohiya, nag-iba na ang approach at behavior ng mga bata at dapat ay laging naka-bantay ang guro at huwag hayaang maging hadlang ang internet o social media sa paglapat ng aralin sa eskwela bagkus gawin itong isang paraan para umalalay at paigtingin ang aralin.
Marami din sa mga guro ang umaalis para sa greener pasture sa abroad. Nagsimula ito mula pa noong dekada 2000 para humanap ng mas malaking oportunidad sa bansang kanilang napiling puntahan bilang guro, manggagawa, yaya/domestic helper o anu mang propesyon ang kanilang gustong tahakin para makatakas sa mahirap na sitwasyon at mababang pasahod sa bansa bilang guro.
Malaking pag-asa sa mga guro ang pagpasa ng EO No. 64 series of 2024 na naglalayon madagdagan ng sahod ang mga civilian government personnel at mabigyan ng karadagan allowance. Ang executive order na ito ay nagbibigay hudyat sa pagpapatupad ng teacher’s pay sa four-tranche schedule kasama na ang chalk allowance at iba pang instructional material para sa pag-improve ng aralin sa eskwelahan.
Appreciated ang ‘Salamat po Titser’ at ito ay hindi lamang dapat maparating sa mga programs at regalo na ibinibigay sa guro bagkus ang isang simpleng pag-tanaw respeto at pagpapahalaga in whatever forms ay isang napaka-tamis na pag-papahayag ng pagmamahal sa mga gurong tulad namin.
Para sa aking mga ka-Guro, “Happy Teachers Day” at Mabuhay po tayong lahat! (UnliNews Online)
PAGBATI: Happy Birthday to Mother Elen Repiedad ng Suisun CA., at salamat kina Mr. and Mrs. Jun and Merlyn Repiedad for the support and generosity and allowing me to stay in their beautiful home at Suisun. Belated Happy birthday too kay Renee Oryze Abella of Vacaville, CA. Mabuhay po kayo!