Tuesday, December 17, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionJJV-AST, patuloy na serbisyo sa mga Bocaueño sa ikalawang termino

JJV-AST, patuloy na serbisyo sa mga Bocaueño sa ikalawang termino

NAIS nang tambalang JJV at AST na maipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa mga Bocaueño para sa kanilang ikalawang termino, muli silang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy noong Monday (Oct. 7) sa Commission on Elections municipal office sa bayan ng Bocaue.

Sa ilalim ng lapian ng National Unity Party (NUP), Pinangunahan ni Bocaue Mayor Eduardo Villanueva Jr. at Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna pagsusumite ng COCs kasama ang buong line-up ng Team Solid na sina Kon. Alvin Paul Cotaco; Kon. Mirasol Bautista; Kon. Norielito German; Kon. Francis Jerome Reyes; Kon. Aristotle Nieto; Kon. Jamela Charisse Mendoza; Kon. Jerome Dela Cruz at Kon. Emmanuel Cruz.

Bocaue Mayor Eduardo Villanueva Jr. at Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna

Si Mayor JJV ay nasa pangalawang termino na ng kanyang panunungkulan bilang Ama ng bayan ng Bocaue, gayundin ang kanyang ka-tandem na si Atty. Tugna na asawa ng yumaong mayor ng Bocaue at nakakabatang kapatid ni Mayor JJV na si dating Mayor Joni Villanueva.

Mataas na kalidad ng paglilingkod, proyektong angkop para sa ikauunlad ng bayan ng Bocaue at malinis at transparent na serbisyo para sa mga Bocaueno ang bitbit ng team JJV at AST.

Nais nina Villanueva at Tugna na ituloy ang mga nasimulang serbiso at malasakit sa mamamayan ng bayan ng Bocaue.

Itutuloy ang pagpapagawa ng mga gusaling pam-bayan at mga kalsada tulad ng pagpapatayo ng Bocaue Fire Station na kauna-unahan sa ating bayan at nabuksan na rin ang mga bagong daanan at naipaayos ang iba pa. Napakarami pa ng nakaplanong ipagawa sa mga susunod na buwan.

Maipagpatuloy ang mga proyekto at programa tulad ng programa sa kalusugan, kabuhayan, edukasyon, trabaho, senior citizen, magsasaka, at mangingisda. Malaking bahagi ng pondo ng bayan ang naipamahagi para sa pag-aaral, gamot, pagkain, at mga pinansyal na ayuda.

Itutuloy ang kaunlaran ng bayan ng Bocaue. Sa mahigit dalawang taon ng panunungkulan ni Mayor JJV at Vice Mayor AST, mas nadagdagan ang mga nagnenegosyo sa bayan ng Bocaue. Kapansin-pansin ang pagdami ng mga kainan sa Mayor Joni Villanueva Avenue at mga bagong negosyo sa iba pang parte ng ating bayan. Ang maraming negosyo, magbubunga ng maraming trabaho at dagdag na income sa ating bayan na magagamit sa mga proyekto para sa mga Bocaueño.

At higit sa lahat ay maipagpatuloy ang paglilingkod na tapat at may pagmamahal sa mga Bocaueño. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments