ANG paksang dinastiya ay nakaukol sa sinaunang panahon tulad na lamang ng panahon ng mga Pharoah na ang kapangyarihan at kaharian ay ipinamamana sa mga anak tulad na lamang ni Rameses ang hari ng Ehipto na ang trono ng kapangyarihan ay ipinamana sa anak niyang si Rameses II na ang istorya ay napanood natin sa epic movie na idinerehe ni Cecille B. DeMille, na pinagbidahan naman nina Charlton Heston, bilang Moses at Yul Brynner, bilang Pharoah Ramesses II ang walang kamatayang pelikula na The Ten Commandments.
Sa sinaunang kaharian ng Judea naman ay kilala ang hari na si Herodes na Dakila. Siya ang nag-utos na ipapatay ang mga bata sa Judea na ang edad ay dalawang taon pababa sa buong kaharian dahil sa hula ng mga propeta na ipapanganganak sa Nazareth, Judea ang sanggol na magiging hari ng Israel. Siya ay si Jesus, subalit hindi napabilang si Jesus sa mga batang minasaker dahil naitago siya nina Jose at Maria sa Ehipto.
Ang trono naman ni Herod the Great ay minana ng kanyang anak na si Herodes Antipas, ang hari na nag-akusa kay Jesus ng pagpapanggap na Anak ng Diyos, kaya siya hinatulan ng death penalty ng gobyernong Romano at pagkaraan ng tatlong araw ay siya ay muling nabuhay at umakyat sa langit.
Malinaw ang political dynasty sa sinaunang panahon. Pero sa panahon natin ay wala pang dinastiyang pulitikal na naipapamana sa successor. Halimbawa na ang pamilya Duterte ng Davao, kahit naghahalili sa puwesto ang mga miyembro ng angkang Duterte, bilang alkalde ng Davao City ay hindi naman minamana ang puwesto kungdi ang mga tao o botante ang nagluluklok sa puwesto sa pamamagitan ng eleksiyon.
Gayundin naman ang mga Singson sa Ilocos Sur. Ang Binay clan ng Makati City, ang mga Marcos ng Ilocos Norte, Estrada ng San Juan, Metro Manila, anh Pineda’s family sa Pampanga province at Ortega clan ng La Union. Ang mga angkan na iyan ang hindi nawawala sa talaan ng mga kilalang political clans sa Pilipinas.
Sa ating Saligang Batas ay may probisyong nakasaad ukol sa political dynasty, pero hindi malinaw ang nasabing poribisyon kung papaano idedetermina ang dinastiyang pulitikal. Hindi naman kasi naipapamana ng alkalde, gobernador, maging ng pangulo ng bansa ang kanilang kapangyarihang taglay.
Kapag natapos na ang kanilang mga termino ay ang mga kapamilya naman nila ang kanilang isisingkaw sa eleksiyon para pumalit sa kanilang mga puwesto pero sa pamamagitan ng halalan o pagpili ng mga botante ng mga kandidato na kanilang iboboto kaya hindi mangyayari ang political dynasty.
Ang dapat sigurong gawin ng mga mambabatas sa Kongreso ay lumikha ng batas na nagbabawal sa pagtakbo sa alinmang puwesto ng magkakapamilya at magkakamag-anak. Kailangang isang termino lang. Halimbawa ang mayor ng bayan o siyudad ay bibigyan lang ng isang termino na sa halip na tatlong taon ay gagawing limang taon at hindi na siya maaaring tumakbo, gayundin ang kanyang mga kapamilya. Diyan pa lang siguro magkakaroon ng kalinawan ang batas ukol sa dinastiyang pulitikal. (UnliNews Online)