Nina Verna Santos & Allan Casipit
NAGWAGI ang pambato ng Barangay Sto. Cristo bilang Hari ng GulayAngat 2024 na si Carl Joseph S. Suarez at ang Reyna naman ng GulayAngat ay mula sa Barangay Sulucan na si Juliana Christine Santos Galang sa isinagawang Coronation Night ng “GulayAngat 2024” noong Oktubre 20, 2024 na ginanap sa Angat Municipal Gym.
Ang Hari at Reyna ng GulayAngat ay bahagi ng programa ng GulayAngat Festival na ikatlong taon ng ipinagdiriwang. Kaalinsabay sa paggunita ng ika-341 pagkakatatag sa bayan ng Angat tuwing ika-24 ng buwan ng Oktubre sa pangunguna ni Angat Mayor Reynante “Jowar” Bautista at Vice Mayor Arvin Agustin kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Bayan.
Kabilang sa mga barangay na nakiisa sa nasabing kumpetisyon ay ang Barangay ng San Roque, Taboc, Sto Cristo, Banaban, Sta Cruz, Sulucan at Niugan.
Tumanggap din ng award bilang Best in Talent ang Hari ng Banaban at Reyna ng Taboc, Best in Swim wear ay ang Hari ng Sto. Cristo at Reyna ng Taboc.
Sa Best in Casual wear naman ay ang Hari ng Sto Cristo at Reyna ng Taboc habang Best in Advocacy Speech ang Hari ng Sto Cristo at Reyna ng Sulucan.
Itinanghal namang Best in Festival Costume ang Hari ng Sto. Cristo at Reyna ng Taboc at Best in Pormal Wear ay ang Hari ng Sto. Cristo at Reyna ng Taboc.
Pasok naman sa 2nd runner up ay ang Hari ng Barangay Banaban at Reyna din ng Banaban at ang 1st runner up ay natamo ng Hari ng Barangay San Roque at Reyna ng Barangay Taboc.
Ang lahat ng mga nagwagi ay pinagkalooban pa ng karagdagang premyo na cash ni Congressman Salvador Pleyto ng halagang P20 libong piso bawat isa’ dahil aniya ay walang uuwing luhaan. (UnliNews Online)