Thursday, November 7, 2024
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsSecurity guard, nahulihan ng baril sa checkpoint

Security guard, nahulihan ng baril sa checkpoint

CAMP OLIVAS, Pampanga — Isang 38 anyos na lalaki ang arestado ng mga otoridad matapos itong mahulian ng baril sa checkpoint sa Brgy. Pambuan, Gapan City, Nueva Ecija, Linggo ng hapon (November 3).

Ayon kay PCol. Ferdinand Germino, Acting Provincial Director, NEPPO, ang suspek ay nakilalang si Mark Anthony Tinio y Flores, security guard at residente ng Brgy. Kapitan Pepe Subdivision, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon sa impormasyon, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng 303rd MC, RMFB3 magaalas dos ng hapon sa bahagi ng nasabing barangay sa Gapan City nang parahin ang motor na minamaneho ng suspek upang hanapan ng kaukulang papeles sapagkat wala itong plaka.

Habang nagtatanong ang mga pulis ay napansin ang isang baril na nakasukbit sa baywang ng suspek at agad din itong hinanapan ng mga dokumento ngunit wala itong maipakita.

Nakuha mula sa suspek ang isang 8mm Kimar pistol, isang magazine assembly para sa nasabing baril at anim na caliber .25 cartridges.

Inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa RA 10591 na ihahabla laban sa suspek.

“Walang humpay ang ating isinasagawang checkpoint operations para mas masiguro ang kaligtasan ng komunidad laban sa anumang uri ng krimen lalo ngayon at nalalapit na ang Kapaskuhan at iba pang mga pagdiriwang” ayon kay PRO3 Director Brig. Gen. Redrico A. Maranan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments