Thursday, November 7, 2024
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsUndas sa Central Luzon, mapayapa dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga...

Undas sa Central Luzon, mapayapa dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga pulis, force multipliers

CAMP OLIVAS, Pampanga — Naging mapayapa at maayos ang sitwasyon sa buong Gitnang Luzon nitong nagdaang Undas.

Ito mismo ang kinumpirma ni PRO3 Director Brig. Gen. Redrico A. Maranan, kung saan tiniyak niya na naging maayos at mapayapa ang Undas sa pagdagsa ng publiko sa mga sementeryo.

Aniya, maliban sa pagsusugal sa loob ng isang sementeryo sa Sto Domingo, Nueva Ecija, insidente ng pagsuway sa mga pulis sa La Paz, Tarlac at pagdadala ng baril ng isang nagpakilalang army na walang kaukulang dokumento sa Cuyapo Public Cemetery ay wala nang naitalang major untoward incidents sa paggunita ng Undas.

Nakakumpiska din ng mga ipinagbabawal na gamit sa mga sementeryo kagaya na lamang ng 245 matatalim na bagay, mga alak, mga gamit pangsugal, at iba pa.

Nananatili pa ring mahigpit ang seguridad sa mga sementeryo para sa mga bibisita ngayong November 2, mismong araw ng All Souls’ Day hanggang November 4.

Pinasalamatan din ni Maranan ang iba’t ibang ahensya at force multipliers na katuwang nila sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga sementeryo, terminals at iba pang pampublikong lugar.

“Kami po ay patuloy na nakaantabay upang masiguro ang kaligtasan ng ating publiko sa pagdalaw nila sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay gayundin naman sa kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga trabaho. Muli din naming pinapayuhan ang publiko na sumunod sa mga pinaiiral na panuntunan sa mga sementeryo sa kanilang patuloy na pagdalaw dito,” ani Maranan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments