ANGAT, Bulacan — Personal na binisita ni Senador Kuya Bong Go noong Miyerkules (Nov. 6) ang nasabing bayan at naghatid ng tulong at serbisyo sa mga senior citizens, miyembro ng TODA, mga farmers at mga indigents.
Katuwang si Mayor Reynante “Jowar” Bautista, personal na pinangunahan ni Sen. Go ang pamamahagi ng tulong para sa 1,500 mahihirap na residente ng Angat.
Sa kanyang inisyatiba, napagkalooban din ang mga ito ng tulong pinansyal ng lokal na pamahalaan.
Bukod sa tulong pinansiyal, food packs, groceries at bitamina na natanggap, nagkaloob din ito ng bola sa basketball at volleyball.
Pinasalamatan din ni Senator Kuya Bong Go ang mga lokal na opisyal na nakatuwang niya sa relief effort kabilang sina Mayor Bautista ang asawa nito, Vice Mayor Arvin Agustin, former Mayor Yoyoy Pleyto at mga konsehal ng bayan.
Samantala, ipinahayag din ni Mayor Bautista na isa itong patunay na kapag nagkakatulungan ang pondo ng munisipyo at ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ni Senador Go, maraming mamamayan ang nakikinabang at natutulungan.
Hindi naman magkamayaw sa tuwa ang mga Angatenyo lalo ang mga senior citizen ng makita nila si Senador Go, na ang bisyo ay magserbisyo kasama ang aktor na si Phillip Salvador. (UnliNews Online)