GUIGUINTO — Inilunsad ng mga Senatorial aspirants na sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino sa lalawigan ng Bulacan ang kanilang grassroots campaign na tinatawag na “KiBam”.
Ang kampanya ay naglalayon na “pagkaisahin ang mga Pilipino sa isang plataporma ng transparent na pamamahala, pagbangon ng ekonomiya, katarungang panlipunan, at pagbibigay-kapangyarihan sa kabataan.”
Mainit ang naging pagtanggap kina Sen. Rizza Hontiveros, tumatayong campaign manager nina Pangilinan at Aquino ng libu-libong Bulakenyo mula sa sektor ng solo parents, youth, estudyante, magsasaka, manggagawa, at mangingisda kung saan sinamahan sila ni Guiguinto Mayor Agatha Paula Cruz, Vice Mayor Banjo Estrella at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Binanggit ng senatorial bet na napagtanto niya noong “people’s campaign” ni Robredo na buhay na buhay pa rin ang kapangyarihan ng mga tao.
“Nung naging witness ako dun nakita ko na nandyan yung pwersa at lakas ng taumbayan at siguro kung meron kang sasandalan, sandalan mo yung taumbayan,” Aquino said.
“Lahat ng mga lumabas noong 2022, lahat ng nangahas na magkaroon ng tapang at magsabi ng gusto nila para sa ating bayan, kung lalabas ulit yan kami ni Sen. Kiko siguradong sigurado sa senado,” he added.
Nanawagan naman ni Sen. Hontiveros sa kanilang mga tagasuporta na kumbinsihin ang mga tao sa ground para kina Pangilinan at Aquino.
“Nung 2022, ang laki ng impact ng ating pagsasama-sama. Kaya tiyak ko, kapag tayo ay nagsama muli, ako, si Sen. Kiko, si Sen. Bam at ating mga kababayan sa grassroots, sa mga sectoral organizations at sa bawat antas ng pamumuhay, abot-kamay natin ang tagumpay,” ani Hontiveros said sa kanyang talumpati.
“Sana po ay tuloy-tuloy na itong ating pagsasamahan dahil kailangan po natin ng kakampi sa Senado! Kailangan po natin sina Kiko Pangilinan at Bam Aquino,” dagdag pa ng senador.
Binigyang-diin ni dating senador Kiko Pangilinan sa kanyang talumpati ang kanyang adbokasiya sa food security, suporta sa mga magsasaka at mangingisda, at pagtugon sa inflation.
“Gawin nating mapababa ang presyo ng mga bilihin, masagot ang inflation. ‘Yan ang ipaglalaban natin. Nagawa na natin dati. Pag nagtulungan ang ehekutibo at lehislatura, kayang gawin ulit ‘yun,” dagdag pa nito.
Habang si ang batang si Aquino ay nakasentro sa kanyang krusada para sa kalidad at accessible na edukasyon at mas maraming oportunidad sa trabaho.
“Kami po sa 2025… libreng kolehiyo at siguradong trabaho para sa bawat Pilipino. Gusto namin bago pa mag-graduate ang mga kabataan natin meron nang job offer,” he noted.
Dumalo ang iba’t ibang sectoral groups mula sa Bulacan kabilang ang Solo Parents Federation Guiguinto, 1Sambayan Bulacan, Bulacan Alliance for Reform, Student Council Alliance of the Philippines at iba pa. (UnliNews Online)