Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeWho is the ‘Fifth Beatle’?

Who is the ‘Fifth Beatle’?

Feature Article
By Manny C. Dela Cruz

SA mga musikero na umabot sa kasikatan ng bandang Beatles, alam ng mga music lover ng baby boomers era ang bilang ng music band na ito at kilalang kilala ang kanilang mga popular na pangalan. Ang una ay si John Lennon. Ang pangalawa ay si Paul McCartney. Ang pangatlo ay George Harrison at ang pang-apat ay si Ringo Starr.

Sa isang maikling artikulo, doon ay binanggit ang “fifth Beatle”. Sino nga ba itong pang limang miyembro ng Beatles? Bago natin alamin kung sino ang pang limang miyembro ng Beatles, bakit nga ba napaka popular ng grupong ito at gayon na lamang ang paghanga sa kanila ng buong mundo?

Ang grupong Beatles ay binuo ng mga musikerong Briton noong 1960 sa Liverpool, England. Nakapag-release sila ng debut single ang kantang “Love Me Do” na umani ng maraming paghanga sa United Kingdom hanggang sa umabot saanmang dako ng mundo ang kanilang popularidad. Ang iba kanta na una nilang pinasikat at tinanggap naman ng Beatlemania ay ang “I Want to Hold Your Hand” (1963), “Yesterday” (1965), at ang “Hey Jude” na ini-release noong 1968.

Balikan natin ang paksa tungkol sa fifth Beatle. Sino nga ba ito at bakit nagkaroon ng pang-limang Beatle samantalang mula pa sa pasimula nang matatag ang Beatles ay apat lang ang orihinal na miyembro ang John, Paul, George and Ringo.

Noong January 30, 1969 ang grupong Beatles bago sila maghiwa-hiwalay ay nagsagawa sila ng konsiyerto sa rooftop ng gusali ng Apple Records sa London, England. Ang film documentary ay pinamagatang “Let It Be”. Limang kanta ang inawit ng Beatles: Get Back,” “Don’t Let Me Down,” “I’ve Got a Feeling,” “One After 909,” at ang “Dig a Pony.”

Samantala, ang unang long-playing album bg Beatles ay may pamagat na “Please Please Me” na kinapapalooban ng mga sumusunod na kanta Side 1: I Saw Her Standing There, Misery, Anna (Go to Him), Chains, Boys, Ask Me Why, Please Please Me. Side 2: . P.S. I Love You, Baby It’s You, Do You Want to Know a Secret, A Taste of Honey, There’s a Place, Twist and Shout

Maraming mamamayan sa nasabing lugar ang nagulat sa maiingay na intrumento at mga tinig na kumakanta sng kanilang naririnig at pamilyar sa kanilang mga pandinig ang mga boses ng Beatles pati na ang kanila mga kinakanta. Nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa kalsada sa tapat ng Apple Records building dahil sa dami ng mga taong nag-uusyoso kaya napilitan ang pulisya doon na ipatigil ang concert.

Sa mga bahagi ng mga kantang “Don’t Let Me Down” at Get Back pasanda-sandaling ipinakikita sa movie camera ang isang black American na tumutugtog ng keyboard. Siya ay si Billy Preston, na tinawag na “fifth Beatle”. Hindi man siya naging official member ng Beatles ay naiambag naman niya sa grupo at sa mga tagahanga ng Beatles ang kanyang talento bilang magaling na keyboardist.

Maraming okasyon ng Beatles na nakilahok si Preston tulad ng live concerts
Kaya ang Beatles fans na rin ang nagbigay ng titulong “fifth Beatles” kay Billy. Bukod dito, na-feature din si Billy sa dalawang pelikula ng Beatles, ang “Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band” at ang “The Blues Brothers”. Dahil sa kakaibang katangian ni Preston, siya ay napabilang sa Rock and Roll Hall of Fame noong 2004.

Ang huling long-playing album ng Beatles ay ang “Let It Be” na ini released noong May 8, 1970. Sa kasalukuyan, dalawang miyembro ng Beatles na lamang ang buhay at aktibo pa rin sa kanilang music career sina Paul McCartney at Ringo Starr. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments