Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsP39 milyong ‘high-grade’ marijuana nasabat sa Bulacan

P39 milyong ‘high-grade’ marijuana nasabat sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Isang kahina-hinalang kargamento ang nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang high-grade marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng P39 milyon noong Miyerkules ng hapon (Nov. 20) sa Balagtas, Bulacan.

Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay nakakumpiska ang Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P18 milyon sa Brgy. Santol, Balagtas.

Base sa inisyal na imbestigasyon, personal na nagtungo sa Balagtas Municipal Police Station ang isang ginang upang i-ulat ang natanggap na package ng kanyang asawa mula sa isang delivery service.

Ang kargamento, na ipinadala ng isang alias “Paul” mula Toronto, Canada, ay nakapangalan sa kanyang nakakulong na kapatid. Sinabi ng ginang na wala silang kamag-anak sa ibang bansa, kaya’t pinaghihinalaan niyang ang package ay may kaugnayan sa kasong kinahaharap ng kanyang kapatid, na nasangkot sa iligal na droga.

Agad na kumilos ang mga tauhan ng Balagtas police, kasama ang isang kagawad ng barangay, kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), at media representatives, upang beripikahin ang ulat.

“Sa isinagawang pagsusuri, natuklasan sa loob ng package ang 52 selyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang high-grade marijuana na tumitimbang ng tinatayang 26 kilo. Ang mga nakumpiskang droga ay may standard drug price na umaabot sa Php 39 milyon,” ani Gen. Redrico A. Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3).

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy kung sino-sino pa ang posibleng sangkot at kung gaano kalawak ang operasyon ng sindikato. Lumalabas na maaaring bahagi ito ng isang mas malawak na international drug trade.

Samantala, ni Maranan, ang naging mabilis na aksyon ng Balagtas MPS sa insidente.

“Ang pagkakatuklas na ito ay patunay ng ating patuloy na laban kontra droga sa rehiyon. Pinapalakas natin ang ugnayan sa mga komunidad upang mapigilan ang anumang gawain na may kaugnayan sa ilegal na droga. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng kapulisan, kundi ng mamamayan laban sa mga krimen,” ani Maranan.

Dagdag pa rito, hinikayat niya ang publiko na maging mapagmatyag at patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad.

Ang pagkakakumpiska ng ganitong kalaking halaga ng droga ay muling nagpatibay sa determinasyon ng PRO3 na sugpuin ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments