NANUMPA sa harap ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang mga bagong halal na opisyal ng Bulacan Press Club, Inc. sa Cassie’s Restaurant, Malolos City kamakailan.
Taos pusong binati ni Fernando ang bagong pamunuan ng BPCI, sa pangunguna ni Omar Padilla at ayon sa gobernador, “Malaking naiambag ng samahang Bulacan Press Club, sa totoo po, kayo ang aming batayan sa aming ginagawang paglilingkod, kaya, ipagpatuloy ninyo ang inyong paglilingkod sa ating lalawigan.”
Anang ng gobernador, “Ang inyong maiaambag na pagsusulat, na mailathala ang turismo ng ating lalawigan, at isa kayo sa nagpo-promote upang puntahan ang mga ito sa ating lalawigan, at sa mga ginagawa ng mga nanunungkulan sa gobyerno. Sa totoo lang walang gustong manungkulan ng masama, may mga bagay na alam na may tsismosa at tsismoso, may mga naninira, heto election na naman, so, maraming maninira.”
“Naniniwala kami na ang Bulacan Press Club ay hindi ganoon, at kami naman ay asahan ninyo na maglilingkod kami ng maayos, Basta asahan ninyo kami ay katuwang ninyo, at hindi namin kayo kalaban,” dagdag pa ni Fernando.
“Lets serve the Bulakenyos for better, for good. Kayo ang nagbabalita sa mga nangyayari sa lalawigan ng Bulacan. Salamat sa inyong mga gabay at suporta mga minamahal kong mamamahayag. So, asahan ninyo and’yan ang ating provincial government kasama si Vice Gov. Alex Castro,” ani pa Gov. Fernando.
Sa pagtatapos ng gobernador, sinabi pa nito, “Sa diwang iyan God Bless you Bulacan Press Club. At isa pa, yakapin natin ang ilang grupo ng mga mamamahayag. Magsama-sama kayo wala nang alitan o tampuhan.”
Dumalo sa okasyon sina Congressmen Salvador Pleyto ng 6th District at Danny Domingo ng 1st District ng Bulacan, na nagbigay din ng mga makabuluhang mensahe.
Ang mga bagong opisyal ng Bulacan Press Club Inc. 2024 ay pinamumunuan ni Omar Padilla bilang Pangulo; Wek Raymundo bilang Pangalawang Pangulo; Chat Petallana bilang Ingat-yaman; Vhioly Rosatazo bilang Kalihim; at Dick Mirasol bilang Auditor. Kasama sa Board of Directors (BoD) sina Ace Cruz, Donato Teodoro, Salome Lariosa, Jose Rhene Reyes, Evelyn Tenorio, at Verna Santos. (UnliNews Online)