Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsBulacan Gov. Fernando at ang suporta sa sugatang pulis

Bulacan Gov. Fernando at ang suporta sa sugatang pulis

ISANG kapuri-puri ang ginawa ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando, ng kanyang dinalaw at inalam ang kondisyon ni P/Cpt. Jocel Calvario, Hepe ng Intelligence and Drug Enforcement Unit ng Meycauayan City Police, matapos itong masugatan nang husto sa isinagawang operasyon ng pulisya, laban sa ilegal na droga, kamakailan.

Batay sa ulat, nauwi sa armadong komprontasyon ang casing at surveillance operation laban sa dalawang suspek nang magpaputok ang mga ito habang sakay ng pribadong sasakyan. na naganap noong Nobyembre 17, 2024, sa Barangay Malhacan sa Meycauayan City kung saan nakumpiska ang 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.4 milyon.

Sa pagbisita ng Gobernador sa sugatang pulis na na-admit sa Meycauyan Doctors Hospital, ay pinuri at binigyan ng insentibong pinansyal ni Fernando, dahil sa unwavering commitment ni Calvario sa Lalawigan na labanan ang pamamayagpag ng bawal na gamot.

Ang personal na pagpunta ni Gov. Fernando sa isang pulis na nasugatan sa line of duty ay palatandaan ng matinding pagsuporta sa tauhan na nagpapatupad ng batas laban sa anumang kriminalidad, at kinikilala ang sakripisyong ginawa nito laban sa masasamang loob.

Ang ganitong pagpapakita ng suporta ng Gobernador, ay posibleng magsulong ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa loob ng komunidad, na nagpapatibay sa kahalagahan ng mga tungkulin sa pagpapatupad ng batas.

Ito rin ay magsisilbing morale booster para sa nasugatang Alagad ng Batas at sa kanilang mga kasamahan, na nagpapakita na ang kanilang serbisyo ay kinikilala at pinahahalagahan sa mas mataas na antas ng pamumuno.

Ang pagbisita ni Fernando ay maaaring makaragdag ng tiwala sa pagitan ng komunidad at tagapagpatupad ng batas, dahil itinatampok nito ang aspetong pantao ng pagpupulis, at binibigyang-diin na ang mga pinuno ay matulungin sa kapakanan ng mga nagpoprotekta sa kanila.

Tsk! Tsk! Tsk! Itinatampok nito ang pagmamalas ng suporta ng pinuno na kilalanin ang mga sakripisyong ginawa ng pagpapatupad ng batas, at maaaring palakasin ang moral sa loob ng puwersa. Ito rin ang magsusulong ng tiwala at pagkakaisa sa pagitan ng pamumuno, at tagapagpatupad ng batas.

Tinapos ni Fernando ang kanyang pagbisita sa pamamagitan ng paghimok sa buong Bulacan police force na manatiling matatag sa pagganap ng kanilang tungkulin. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments