BOCAUE, Bulacan — Sa isang makasaysayang hakbang tungo sa pag-angat ng cultural heritage ng Bocaue, pinangunahan ni Senador Joel Villanueva ang groundbreaking ceremony para sa Bocaue Museum and Cultural Hub noong Biyernes (Nov. 22).
Tampok sa proyekto na magsisilbing ilaw ng kasaysayan at inspirasyon, ang museum, art center, performance arts space at history hub, na naglalayong maalagaan ang malalim ng koneksyon sa masiglang nakaraan ng bayan.
“This has been my sister’s dream, and now it has finally come into reality,” pahayag ni Senador Villanueva, tungkol sa pangarap ng kanyang yumaong kapatid na si Mayor Joni Villanueva na magkaroon ng isang cultural para sa bayan na hindi natupad dahil sa kanyang maagang pagpanaw.
“Ang proyekto pong ito ay alay natin sa bawat Bocaueño na maipagmalaki ang malalim na kultura at kasaysayan ng ating minamahal na bayan,” dagdag pa niya.
Ang Casa de Municipal de Bocaue, isa mga pinakamatandang istraktura ng bayan, ay magsisilbing lokasyon para sa bagong cultural hub. Orihinal na itinayo noong 18th century, ang Casa de Municipal de Bocaue ay nagsilbing gusali ng munisipyo sa loob ng ilang siglo,
Sumailalim sa napakaraming pagbabago sa arkitektura sa paglipas ng panahon para mapaunlakan ang pangangailangan ng lokal na pamahalaan.
Matapos itayo ang bagong gusali ng munisipyo noong 2010, ang lumang istraktura ay ginamit bilang lugar para sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Bocaue.
Ang yumaong Mayor Joni Villanueva ang unang nagmungkahi na gawing isang museo at library ang makasaysayang gusali noong 2018, isang pangarap na sa kasamaang palad ay naantala kasunod ng kanyang pagpanaw noong 2020.
Noong 2023, itinulak ni Senador Joel Villanueva, kasama si Bocaue Mayor Jonjon Villanueva at ang National Commission for Culture and the Arts, ang pagkakaroon ng Bocaue Museum Cultural and Hub para maipagpatuloy ang pamana ng kanilang yumaong kapatid.
Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng pagdiriwang ng kasaysayan at kultura ng Bocaue. Nakakuha ng P45 milyong alokasyon mula sa 2024 General Appropriations Act ang nasabing proyekto.
“This museum and cultural hub will serve not only as a testament to the town’s past but also as a source of inspiration for future generations of Bocaueños,” ayon sa Bulakenyo senator.
Ang Bocaue Museum and Cultural Hub ay magiging pangunahing educational at cultural landmark para sa rehiyon, na magbibigay ng puwang para sa local artist at performers para maipamalas ang kanilang talento at matuklasan naman ng mga bisita ang kasaysayan ng bayan. (UnliNews Online)