Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsKarangalan ng Pandi, Tagumpay ng mga Pandieño!

Karangalan ng Pandi, Tagumpay ng mga Pandieño!

SA magkasunod na taon (2023 at 2024) ay nakamit ng Pamahalaang Bayan ng Pandi ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Award na pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga matatapat at mahuhusay na Pamahalaang Lokal sa bansa.

Malugod na tinanggap ni Mayor Rico Roque at Vice Mayor Lui Sebastian ang parangal noong Martes nitong Disyembre 10 sa Tent City, Manila Hotel na pinagkalooban din ng DILG ng P1,153.000 milyong incentive fund subsidy check.

Ang SGLG hindi lamang patunay ng mahusay, tapat, at maayos na pamamahala sa bayan kundi kasama din po ang pagpupursigi at pinagsama-samang galing ng mga kawani ng ating lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng tamang sERbisyongMayPusoAtTalino para sa bawat Pandieño.

Lubos na pinasalamatan ni Mayor Roque ang masisipag na kawani ng Pamahalaang Bayan na malaki ang ginampanan sa pagkamit ng karangalang ito, pati na rin ang suporta ng bawat Pandieño na nagbibigay ng inspirasyon sa kanilang paglilingkod.

“Ang parangal po na ito ay inspirasyon para lalo pa nating pagbutihin ang serbisyo para sa Pandi,” dagdga pa ng alkalde.

Ang SGLG ay hindi lamang isang parangal kundi isang hamon upang patuloy na maging huwaran sa mabuting pamamahala, na nagdudulot ng mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments