Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMahigit 1,200 pulis ng PRO3 ipapadala sa Pista ng Nazareno

Mahigit 1,200 pulis ng PRO3 ipapadala sa Pista ng Nazareno

CAMP OLIVAS, Pampanga — Humigit-kumulang 1,300 pulis ng Police Regional Office 3 ang ipapadala sa Maynila upang masigurong ligtas at maayos ang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno na gaganapin sa darating na Enero 9.

Ayon kay Frig. Gen. Redrico A. Maranan, Regional Director ng PRO3, ang mga tauhan ay ipoposisyon sa Quirino Grandstand para sa tradisyunal na Pahalik at sa iba’t ibang entry at exit points sa Metro Manila.

“Ang layunin ng deployment na ito ay tiyakin ang kaligtasan, seguridad, at kapayapaan ng lahat ng dadalo sa aktibidad,” ani RD Maranan.

Bilang suporta sa NCRPO, binigyang-diin ni RD Maranan ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga kapulisan upang matiyak ang tagumpay ng seguridad sa kapistahan.

“Ang PRO3 ay nakahandang tumulong sa NCRPO sa pagsiguro ng kaayusan at kaligtasan ng Pista ng Itim na Nazareno. Ang ating pagkakaisa at aktibong koordinasyon ay susi upang maging maayos at ligtas ang pagdiriwang na ito,” aniya.

Bagama’t wala namang nakikitang seryosong banta kaugnay sa kapistahan, iginiit ng PNP ang kanilang kahandaan.

“Ang ating mandato ay hindi lamang para tiyakin ang kapayapaan ngunit pati na rin ang tiwala ng publiko sa kakayahan ng ating kapulisan. Sa ganitong mahalagang okasyon, mas pinagtitibay natin ang ating dedikasyon na maglingkod ng buong puso,” dagdag pa ni RD Maranan.

Sa pamamagitan ng aktibong koordinasyon sa NCRPO, mga ahensiya ng pamahalaan, at sa komunidad, tiniyak ng PRO3 na magiging maayos at handa ang kanilang operasyon upang masiguro ang kaligtasan at tagumpay ng selebrasyon. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments