Monday, March 10, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsSen. Tolentino, pabor sa VAT exemption ng kuryente at internet

Sen. Tolentino, pabor sa VAT exemption ng kuryente at internet

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Upang maibsan ang mga pasanin ng mga Pilipino, pabor at sumasangayon si Senador Francis Tolentino sa panukala na 12% value-added tax (VAT) eksempsyon sa mga serbisyo sa kuryente at internet.

Ito naging pahayag ni re-electionist Senator Francis Tolentino sa isinagawang press conference sa Hotel Savano bago ang campaign rally ng senatorial slate ng administrasyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas nitong Friday (Feb. 28) sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon pa sa senador, inihain niya ang Senate Bill No. 2970 para mapababa ang halaga ng kuryente sa Pilipinas, na kabilang sa pinakamahal sa rehiyon habang ang Senate Bill 2699 kung saan magkakaroon ng Internet load discount ang mga estudyante ay kapapasa upang maging gnapa na isang batas lang ngunit hindi pa napipirmahan ng Pangulo.

SERYOSONG hinihimay ni Sen. Francis Tolentino ang bawat sagot o suhestiyon sa mga katanungan na ibinabato ng mga mamamahayag sa isinagawang press conference sa Hotel Savano bago ang matagumpay na campaign rally ng senatorial slate ng administrasyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa nabanggit sa Lungsod ng San Jose del Monte nitong Friday (February 28, 2025). (Kuha ni Manny D. Balbin)

Nagbabala siya na ang mataas na mga gastos sa kuryente ay maaaring makapagpabagal sa paglago ng ekonomiya at kahit na mag-ambag sa deindustrialization.

Samantala, sinabi ni Tolentino na ang pag-alis ng VAT sa mga serbisyo sa internet ay magpapahusay sa digital inclusion at magpapalakas sa partisipasyon ng bansa sa global digital economy.

“Habang mas maraming paaralan ang lumilipat sa online na pag-aaral at ang mga negosyo ay nagpapatuloy sa malayong mga kaayusan sa trabaho, ang maaasahan at abot-kayang mga serbisyo ng kuryente at internet ay naging mas mahalaga,” sabi niya.

“Ang pag-alis ng VAT sa mga serbisyong ito ay makakatulong na matiyak ang higit na accessibility at economic resilience para sa mga Pilipino.”

MAAYOS na sinasagot ni re-electionist Senator Francis Tolentino ang mga karagdagang katanungan ng mga Manila-based reporter pagkatapos ng press conference sa Hotel Savano para sa mga kandidato sa pagka-senador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Lungsod ng San Jose del Monte. (Kuha ni Manny D. Balbin)

Sa naging mensahe naman ni Sen. Tolentino sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na ginanap sa City College of San Jose del Monte grounds sa Barangay Minuyan, inulat ng senador sa harap ng libu-libong San Joseño, na siya ang nagsulong ng “Three Gives Law” kung saan noong pandemic ay hulugan nating binabayaran ang ating mga dues sa tubig, Internet at kuryente. Sa kasalukuyan naman ang isinusulong ko sa Senado ay programang “LITAW” o Liwanag, Internet, Tubig, Assistance Welfare at ang mabebenipisyuhan nito ay ’yung mga dumaan sa kalamidad na hindi muna magbabayad ng kuryente at ang magbabayad ay ang LITAW.

“Malapit na itong maging batas at hinihintay ko na lang ay ang pirma ng Pangulo Bongbong Marcos upang itong batas ay maipatupad na,” dagdag pa ni Sen. Tolentino.

Naipasa na rin umano ng senador ang Senate Bill 2966 kung saan ang lahat ng estudyante sa elementarya, high school at college, private man o public school ay magkakaroon na ng 20% discount sa Internet load.

Sa mga mangingisda naman ay naisabatas ni Sen. Tolentino ang “Sea Lanes Law” na kung saan doon lang dadaan ang mga malalaking barko para maisawasan ang mga aksidente at ang batas na angkop sa mga riders at ang mga nagda-drive ng motorsiklo, ang “Doble Plaka Law” o pag-aalis sa probisyon sa batas na nagmamandato sa mga motorsiklo na magkaroon ng dobleng plaka o isang plaka sa harap at isang plaka sa likod.

“Ngunit ang pangarap ko lahat ng mga riders ay magkaroon ng sariling PhilHealth, SSS, 13th month Pay at overtime pay kung saan sila nagtatrabaho,” ani ng senador.

Napakahirap ng trabaho sa Senado, ani Sen. Tolentino, subalit kung tutulungan ninyo kaming lahat bilang bahagi ng Alyansa, hindi lang gagaan ang aming tungkulin, gagaan din ang tungkulin ng ating Pangulo sa pagpapatakbo niya ng ating minamahal na republika.

“Muli, sa lahat ng Tol sa San Jose del Monte, No. 61 sa balota sa darating na lekesyon sa Mayo,” pagtatapos ng masipag na senador na maasahan at masasandigan ng mga Pilipino. (UnliNews Online

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments