Tuesday, December 17, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsGroundbreaking ng AWTIP Tunnel No. 5, isinagawa

Groundbreaking ng AWTIP Tunnel No. 5, isinagawa

NORZAGARAY, Bulacan — Pinangunahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang groundbreaking para sa pagtatayo ng Angat Water Transmission Improvement Project (AWTIP) Tunnel No. 5 sa Barangay Bigte, sa bayang upang matiyak ang suplay ng tubig nito sa mga water concessionaires.

Ang groundbreaking ceremony ay dinaluhan ng mga opisyal ng MWSS, Manila Water, Maynilad, Sen. Imee Marcos, mga opisyal ng gobyerno ng Bulacan sa pangunguna ni Gov. Daniel Fernando, 6th District Rep. Salvador Pleyto, Norzagaray Mayor Maria Elena Germar at ang mga katutubo mula sa Norzagaray.

Nauna rito, sa contract signing ng Tunnel No. 5 noong Disyembre 2021, binanggit ng MWSS na ito ay itinatayo sa parallel distance sa AWTIP Tunnel 4 na tumatawid sa Ipo Dam hanggang Bigte Basin alignment sa Norzagaray, Bulacan na operational na simula noong Hulyo 2020 at isinama at pinataas ang kapasidad ng paghahatid ng sistema ng paghahatid ng Ipo-Bigte.

Ang Tunnel No. 5 ay isang malaking bahagi ng reengineering works ng Umiray-Angat-Ipo-La Mesa raw water conveyance system na magtitiyak na ang hilaw na tubig sa MWSS water concessionaires ay hindi maaapektuhan ng decommissioning o rehabilitasyon ng mga lumang Tunnel 1 at 2 at sa hinaharap na rehabilitasyon ng mga aqueduct.

Ang Tunnel No. 5 ay isang P3.2 Billion capital expenditure project na pinondohan ng Manila Water at Maynilad sa pamamagitan ng Common Purpose Facilities. Ito ay itatayo sa parallel distance sa AWTIP-Tunnel 4, na binabagtas ang Ipo Dam hanggang Bigte Basin alignment sa Norzagaray Bulacan.

Pinondohan ito mula sa pautang ng Asian Development Bank.

Makikinabang sa mga proyektong ito ang mga umaasa sa suplay ng tubig sa Angat Dam gaya ng Bulacan Bulk Water Supply Project, mga west at east zones ng Metro Manila at ilang bahagi ng Rizal at Cavite. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments