Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNews‘Tirador’ ng Alfamart sa Calumpit, arestado!

‘Tirador’ ng Alfamart sa Calumpit, arestado!

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Arestado ng pulisya ng nabanggit na bayan ang isang 23-anyos na lalaki na nagnakaw ng halos aabot sa halagang P100,000 sa isang Alfamart sa Brgy. Barangay Iba O’ Este noong Martes (June13).

Base sa ipinadalang report kay Col. Relly Arnedo, Bulacan provincial director, kinilala ang naarestong suspek na si Ricardo Santiago Jr.

Ang suspek ay nadakip ng kapulisan makaraan ng mahigit siyam na oras na hot pursuit operation malapit sa kanyang bahay sa bayan ng Paombong.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Calumpit police bandang alas-6:30 ng umaga nang pasukin ng suspek ang isang sangay ng Alfamart sa Barangay Iba O’ Este. Nagkunwari pa umanong crew ng naturang convenient store ang suspek sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng tindahan.

Nilapitan niya si John Paul Simbulan, 22, ang cashier sa nasabing Alfamart branch at pinagbantaan siyang sasaktan kapag hindi niya ilalabas ang nakatagong pera ng vault. May dinudukot pa na kung ano sa bulsa ang suspek at pinalalabas na bumubunot ito ng baril.

Kinuha ng suspek ang benta ng Alfamart noong Lunes na nagkakahalaga ng P99,455.

Sinabi ng pulisya na wala sa kanyang puwesto ang naka-duty na security guard matapos itong umalis bandang alas-12 ng hatinggabi at hindi nakabalik.

Matapos ibigay ng biktima ang vault, tumakas ang suspek patungo sa MacArthur highway.

Dahil sa footage ng Close Circuit Television (CCTV) at ang paglalarawan sa biktima, nakilala at hinabol siya ng pulisya na naging dahilan ng pagkakaaresto nito.

Pansamantalng nakadetine ang suspek sa Calumpit Police Station lock-up cell habang inihahanda ang mgakasong isasampa dito. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments