BOCAUE, Bulacan — Inumpisahan na ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa pamamagitan ng orientation sa ibibigay na hanapbuhay sa humigit kumulang na 500 na Bocaueño.
Ito ay resulta ng pagsusumikap ni Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna na makakuha ng P5 milyong pondo mula sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito bale ng unang batch dahil may susunod pang 500 Bocaueño ang magiging recipient ng TUPAD program
“Ito ang ating pangako na araw-araw nating tinutupad para mabigyan ng trabaho at dagdag na kita ang ating kapwa Bocaueño,” ani Tugna. (UnliNews Online)