LUNGSOD NG MALOLOS — Nagsagawa kamakailan ng pagpupulong ang Department of Trade andIndustry – Bulacan at Bulacan Chamber of Commerce and Industry para pag-usapan ang collaboration project para sa MSME Development na tinawag na DTI-BCCI Gabay- Negosyo Project na ginanap sa BCCI Office sa naturang lungsod.
Ang DTI-BCCI Gabay- Negosyo Project ay nakatakdang ilunsad sa Hulyo 10 at ang pagtatapos nito ay naka-iskedyul para sa BUFFEX sa Setyembre.
Ang nasabing pulong ay dinaluhan nina OIC- ARD Edna D. Dizon, BCCI President Cristina Tuzon, BDD Division Chief Maria Cristina Valenzuela, BCCI adviser Mara Bautista at mga opisyal at kinatawan mula sa pitong local business chambers ng Baliwag, Guiguinto, City of Malolos, City of San Jose del Monte, Marilao, San Rafael at Santa Maria.
Ang Gabay-Negosyo Project ay komplementasyon ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry at ng Department of Trade and Industry-Bulacan Provincial Office on Entrepreneurship, Innovation, and Sustainability Development.
Tatlumpu’t limang micro at cottage entrepreneurs ang target na makinabang mula sa serye ng mga pagsasanay at mentoring session gayundin ang pagbibigay ng livelihood starter kits sa pagtatapos. (UnliNews Online)