LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Umabot halos sa mahigit100 pagoda (bangka na pinalamutian) ang nakiisa at sumama sa “Libad Festival 2023” na ginanap sa Ilog Calumpit, isang araw bago ang taunang pista ng bayan ng Calumpit bilang parangal kay San Juan Bautista.
Libu-libong mga tao, kabilang ang mga bisita mula sa mga kalapit na lalawigan, ang nasiyahan sa panonood sa naturangfluvial procession na nagsimula matapos itinaas ni Calumpit Vice Mayor Zar Candelaria ang isang orange na tela na hudyat sa mga kalahok na maglayag sa kanilang mga bangka.
Nakiisa rin sa pagdiriwang si Calumpit Mayor Lem Faustino at namahagi ng pagkain at bottled water sa lahat ng pasahero at driver ng bangka.
Sinabi ni Faustino na bawat baryo ng bayan ng Calumpit ay nakikilahok sa Libad Festival taon-taon.
Masaya silang umaawit, sumasayaw at nagbubuhos ng tubig upang “binyagan” ang mga dumadaan upang alalahanin ang katangiang gawa ng ni San Juan Bautista
Dumalo rin sa nasabing mga relihiyosong okasyon sina Bulacan First District Representative Danilo A. Domingo at Didis Domingo; Calumpit Councilors Thelma Dansalan, Lycu Diego, Jojo Pagdanganan, Agnes Pangan, Mau Torres (tourism committee,chairman), and Maeng Lopena; at punong barangay na si Ogie Reyes ng Barangay Longos.
Ang Libad Festival ay isa sa mga tanyag na atraksyong panturista sa Bulacan bilang parangal kay Juan Bautista, ang lokal na patron ng Simbahan ng San Juan Bautista sa munisipalidad, isa sa pinakamatandang simbahan sa lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)