CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado sa bayan ng San Ildefonso nu’ng Sabado (March 11) ang isang 54-anyos na lalaki dahil sa iligal na pag-aari ng mga baril at bala.
Ayon sa ulat ni Col. Relly Arnedo, Bulacan police director, kinilala ang suspek na si Rolando Valmadrid, residente ng Barangay Mataas na Parang, bayan ng San Ildefonso.
Inaresto si Valmadrid sa bisa ng search warrant para sa illegal possession of firearms na inisyu ni Hon. Sita Jose Clemente, 3rd Vice Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 16.
Narekober ng mga awtoridad mula kay Valmadrid ang isang Colt caliber.45 pistol na may serial number na 276334; dalawang magasin; 17 live na bala para sa kalibre .45; kalibre; isang kalibre .22 na baril na walang serial number; isang magazine na may pitong live na bala para sa kalibre .22 na baril. (Unlinews Online)