LUNGSOD NG MALOLOS — Kinilala si Bulacan Governor Alex Castro bilang Heroes’ Legislative and Servant Leadership Excellence Award ng prestihiyosong Asia’s Modern Hero Awards 2023 kamakailan.
Agad namang nagpasalamat ang batang public servant sa parangal na iginawad.
”Ito ay magsisilbing Inspirasyon upang lalo pa nating pag-igihan ang ating paglilingkod sa ating mga kababayang Bulakenyo,” ani Castro.
Isa si Vice Gov. Castro sa pinakamasipag na public official dahil halos libutin nito at personal na dalawin ang mga kababayang Bulakenyo na nangangailangan ng kanyang agarang tulong. (Unlinews Online)