Sunday, December 15, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionPagiging ‘Highly Urbanized City’ ng CSJDM, suportado ng ilang mayor ng Bulacan

Pagiging ‘Highly Urbanized City’ ng CSJDM, suportado ng ilang mayor ng Bulacan

TILA wala nang makakapigil maging isang “highly urbanized city” ang Lungsod ng San Jose Del Monte dahil sa pagsuporta ng ilang Punong Bayan sa Bulacan sa pangarap nila Mayor Arthur Robes at Congresswoman Ate Rida Robes na maging Urbanize City na ang kanilang Lungsod.

Dahil kung magiging ganap silang urbanize ay magiging independent city na sila na ang lahat ng koleksyon na buwis ay kanilang mailalaan sa lahat ng kanilang proyektong pangkabuhayan, kalusugan, edukasyon, infrastructure at iba pang proyekto para sa mamamayang San Josenyo na iyan ang layunin ng ama at ina ng naturang lungsod.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mamamayang San Josenyo ang mabilis na progreso o pag-unlad ng kanilang Lungsod mula ng maging mayor si Mayor Arthur Robes at naging Congresswoman si Ate Rida Robes dahil magkatuwang sa pag-iisip kung paano nila isasakatuparan ang kanilang mga plano para sa mamamayan at lungsod.

Kaya sa kanilang dalawang termino ay napaka-laki ang pinagbago at pag-asenso ng Lungsod ng San Jose Del Monte. Kahit naman sa isang tahanan kung hindi magkatuwang sa pagsisikap ang ama at ina ay walang pag-asenso ang kanilang buong pamilya. Kaya naman talagang mapalad ang lahat ng mamamayang San Josenyo dahil mayroon silang Ama at Ina na laging nakaagapay.

Mahirap tawaran ang mahabang karanasan ni Mayor Robes sa paglilingkod na nagsimula sa paging Konsehal, Congressman at Mayor na number one sa kanyang puso ang paglingkuran ang mamamayan at lungsod at kailanman ay hindi siya binigo ng mamamayang San Josenyo na pauli’t-ulit siyang iluklok bilang ama ng lungsod.

At maging si Congresswoman Ate Rida Robes noong nasa kongreso pa ang kanyang esposo ay suportive sa adhikain sa paglilingkod sa mamamayan at hanggang sa natutunan niya na masarap pala na maging public servant.

At hindi naman nabigo ang mga mamamayan nang siya ihalal bilang kinatawan sa kongreso ng kanilang lungsod na halos work caholics sa pag-iisip ng mahahalagang panukalang batas para sa kababaihan at iba pa para sa kapakanang pang-tao.

Kaya naman sana ay huwag sayangin ng mga mamamayang San Josenyo ang magandang pangarap ni Mayor Arthur at Cong. Ate Rida Robes na maging Urbanize City na kanilang lungsod na mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng kanilang mamamayan at ng kanilang lungsod.

Dahil mas marami pang negosyante ang mahihikayat at magkakaroon ng interes na magtayo ng kumpanya na lilikha ng trabaho para ang bawa’t mamamayan ay hindi kailangan pang magtrabaho sa karatig bayan at lunsod dahil mismong sa San Jose na sila maghahanap-buhay. God Bless San Jose Del Monte. (UnliNews Online)

Louie C. Angeles
Louie C. Angeleshttp://unlinews.org
LUISITO “Louie” C. Angeles is a news reporter for DWIZ 882 AM and also an anchorman of Serbisyo, Trabaho sa Radyo @ 09.3 FM Radyo Bandera Central Luzon. Louie is also a columnist reporter for REKTA Balita and The Central Chronicle and a former radio reporter for DWIZ, DZRB, and DZRV Radio Veritas. Born and raised in Bocaue, Bulacan, Louie is currently the national president of the PAPER.Ph -- Prime Alliance of Publishers, Editors and Reporters Inc.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments