Tuesday, December 17, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz BalitaABS-CBN, no longer a network -- Direk Lauren Dyogi

ABS-CBN, no longer a network — Direk Lauren Dyogi

MATAPOS pagkakitaan ng prangkisa at ipa-shutdown ang ABS-CBN noong 2020, nagfocus na lamang ito sa paggawa ng mga contents na talaga namang patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino.

Binigyang linaw ni ABS-CBN Head of TV Production at Star Magic Head Laurenti “Direk Lauren” Dyogi, na ang ABS-CBN ay isa na ngayong media company at content creator.

Sa larangan ng TV Network, (by default)number one ang GMA-7 sapagkat sila ang mas may malawak na reach mula noong MAY 2020.

Sa kabila nito, patuloy na tinatangkilik pa rin ang mga dekalidad na Kapamilya shows at tila nagmistulang network pa rin ang ABS-CBN dahil sa patuloy na pag-angat ng ilang shows sa tv ratings. Ang ilang Kapamilya shows ay napapanood sa telebisyon sa pamamagitan ng A2Z, Kapamilya Channel at TV5. Nangunguna rin ito sa digital views via Kapamilya platforms (Kapamilya Onlive Live YouTube/Facebook at IwantTFC app).

Ani Direk Lauren, “For now, you need to understand that we’re not a network anymore. We don’t have a franchise. We’re a media company. We’re a content creator now. So wherever we can bring our content with the biggest reach, and we have to recognize that GMA has the biggest reach right now, and they’re the number one station,”

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments