Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsPWD Forum, isinagawa sa Lungsod ng Malolos

PWD Forum, isinagawa sa Lungsod ng Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nagsagawa ng isang forum ang mga Person With Disability (PWD) bilang bahagi ng pagdiriwang ng 45th National Disability Prevention & Rehabilitation Week na ginanap sa 4F Auditorium Room ng New City Hall of Malolos kamakailan.

Ito ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – Community Affairs Division na may kaakibat na temang: “Aksesibilidad at Karapatan ng mga Taong may Kapansanan: Daan Tungo sa Sustenableng Kinabukasan na Walang Maiiwan.”

Dinaluhan ang naturang forum ng panguluhan ng PWD sa 51 barangay ng Lungsod ng Malolos, at 26 na mga magulang ng mga may autismo

Layunin ng naturang gawain na bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga PWD sa kanilang mga kakayahan at bigyan din ng kalinawan sa kung ano ang kahulugan at sakop ng learning disability.

Ayon sa pahayag ni Mayor Christian D. Natividad, buo ang kaniyang pagsuporta katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos.

“Asahan niyo po na palagi kaming nakagabay at nakatanaw sa pangangailangan ng PWD. Mananatiling bukas ang aming tahanan at ang aming opisina,” dagdag pa ng alkalde.

Ibinahagi naman ni Developmental and Behavioral Pediatrics Dr. Jack Alexander Herrin, MD, DDPS ang mga kaalaman at kalinawan patungkol sa sakop ng learning disability, at ang mga pinagdadaanan ng mga batang may ganitong kapansanan sa loob at labas ng kanilang tahanan, lalo na sa paaralan.

Nagbigay rin siya ng paalala sa mga magulang na gabayan at bantayan ang mga anak sa mga pinapanuod nila at tiyaking may kalidad at matututuhan ang mga ito, dahil nagsisimula raw ang pag-aaral at disiplina sa tahanan.

Kaugnay nito ay binigyang diin naman ni Occupational Therapist Juan Paolo Lugue ang role and function ng mga occupational therapist sa mga may learning disability.

Binahagi rin niya ang mga posibleng serbisyo at ang mga maaaring lapitan ng mga may ganitong kapansanan.

Samantala, bilang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ang assistive devices tulad ng wheelchair, quad cane, walker, at tungkod.

Dumalo at nagbigay nang pagsuporta sa naturang programa sina Konsehal Igg. JV Vitug III, Konsehal Abgdo. Niño Bautista, CSWDO Department Head Lolita SP. Santos, RSW, PDAO Officer Henry Bonzon, at ilang mga kawani ng CSWDO-Community Affairs Division. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments