LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Patuloy sa kasalukuyan ang pamamahagi ng ng mga relief packs sa mga pamilyang apektado ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Egay at Falcon, Hanging Habagat at pagpapakawala ng tubig sa mga dam.
Sunud-sunod na naghahakot ang mga trucks ng mga barangay ng mga relief packs sa Regional Evacuation Center na ipinatayo ng Office of the Civil Defense (OCD) sa Malolos Government Center.
Personal namang ipinamahagi ni Mayor Christian D. Natividad nitong Martes (Aug. 1) ang mga relief packs para sa mga residente ng Brgy. Bangkal.
Naging katuwang sa pagbibigay ng 2,500 relief packs sina CityAdministrator Joel Eugenio, City Legal Officer Atty Cyrus Paul Valenzuela, CENRO OIC Amiel Cruz, Konsehal Patrick DelaCruz , Philippine National Team member Geli Bulaong at ilang mga kawani at volunteers na naging kaagapay na ng Pamahalaang Lungsod noon pang ika-26 ng Hulyo kung saan unang nagkaroon ng paghahanda para sa noo’y paparating pa lang na BagyongEgay.
Sa pinakahuling ulat ng City Administrators Office ay naipamahagi na ang 30,415 relief packs sa mga pamilyang nasalanta ng BagyongEgay at BagyongFalcon at hanging Habagat. (UnliNews Online)
Source: Malolos CIO