Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsLalaki patay, katropa malubha sa pamamaril sa Plaridel

Lalaki patay, katropa malubha sa pamamaril sa Plaridel

PLARIDEL, Bulacan — Patay ang isang lalaki habang malubha ang kaibigan nito matapos pagbabarilin ng mga ‘di pa nakikilalang salarin sa Plaridel-Pulilan Diversion Road, Brgy. Banga 2nd ng nabanggit na bayan nu’ng Sabado (Aug. 5).

Base sa ulat ng Plaridel police, kinilala ang namatay na suspek na si Alvin Narciso, residente ng Sitio Dike, Brgy. Banga 2nd, Plaridel habang nasa malubhang kalagayan ang kasama nito na si Jeric Galvez, ng sitio Bacood, Brgy. Parulan, Plaridel.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng kapulisan, bandang 1:40 ng madaling araw nu’ng Sabado ng mapansin ng isang Janito Samontañes ang mga biktima at ang mga suspek na kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na may pinagtatalunan.

Dahil sa matinding pagtatalo ay nabaril ng isa sa mga suspek ang mga biktima gamit ang bitbit na caliber .45 na naging sanhi ng pagkamatay ni Narciso habang malubhang naitakbo ang kasama nito sa Medical Center, sa City of Malolos, para malapatan ng agarang lunas.

Makaraan ng pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng isang Suzuki Shogun 125 motorcycle papunta sa direkson ng Cagayan Valley Road .

Patuloy naman sa kasalukuyan ang isinasagawang imbestigasyon at follow-up operation ang Plaridel police upang maaresto ang mga salarin at papanagutin sa naganap na pamamaril. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments