BOCAUE, Bulacan — Nagpaalala ang NLEX Corporation sa mga motorista na planuhin ang kanilang pagbiyahe sa darating na Biyernes (Aug. 25) dahil sa pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa Phippine Arena sa Bulacan.
Inaasahang magiging mabigat ang daloy ng trapiko dahil sa pagdagsa ng mga basketball fans na manonood ng nasabing tournament.
Kabilang sa mga paghahanda ng NLEX Corporation upang mapanatili ang kaayusan ng daloy ng trapiko ay:
- Pag-deploy ng mahigit 200 traffic personnel at incident response teams sa loob ng Ciudad de Victoria at sa strategic areas sa buong NLEX.
- Pag-install ng mga directional road signage upang maging gabay ng mga motoristang pupunta sa Philippine Arena
- Pag-provide ng libreng P2P shuttle services papunta at palabas ng Philippine Arena mula 11:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
- Pick up and drop off points
- PITX Bus Terminal
- Mall of Asia Arena
- One Ayala Bus Terminal
- BGC Market Market Bus Terminal
- SM Megamall
- Araneta City
- Trinoma
- SM North
- Clover Leaf Ayala Mall Bus Terminal
- SM Baliuag
- SM Pampanga
- SM Clark
- Magsisimulang maghatid ang mga P2P buses pabalik sa iba’t ibang drop off points pagkatapos ng laro ng Gilas (Philippines) vs. Dominican Republic.
- Narito pa ang ilang dapat tandan ng mga manunuod upang mas mapabilis ang kanilang biyahe at makaiwas sa aberya.
- Ang Ciudad de Victoria Toll Plazas ay 100% RFID kaya hinihikayat ang mga motoristang magpakabit ng Easytrip RFID at siguraduhing may sapat na load bago bumiyahe.
- Ang mga gate sa Philippine Arena ay bubuksan ng 12:00 ng hapon at isasara ang lahat ng access papunta dito simula 5:30 ng hapon. Tanging P2P buses at mga sasakyang may valid vehicle access at parking permits na awtorisado lamang ng FIBA ang papayagang makapasok mula 5:30 ng hapon hanggang sa makalabas ang mga taong nanood ng laro.
- Tanging sa mga parking areas sa loob ng Philippine Arena o sa mga additional parking areas sa Bocaue at Sta. Maria bypass roads lamang papayagang pumarada ang mga sasakyan. Bawal ang illegal parking.
Pinapayuhan naman ang mga motoristang papunta sa Sta. Maria, Bulacan sa araw na ito na maglaan ng karagdagan oras sa biyahe at dumaan sa mga alternate route kagaya ng Marilao, Bocaue, o Tambubong.
Para sa karagdagang impormasyon at lagay ng trapiko sa NLEX, maaaring i-check ang official Facebook, Twitter at Viber account ng NLEX Corporation o kaya naman ay tumawag sa hotline 1-35000. (UnliNews Online)