Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNews'Sec. Toots Ople, isang espesyal na tao' -- Pangulong Marcos

‘Sec. Toots Ople, isang espesyal na tao’ — Pangulong Marcos

NAKALULUMBAY na mabalitaan ang dagliang pagpanaw ni Kalihim Susan ‘Toots’ Ople, ng Department of Migrant Workers (DMW,) isang tagapagtaguyod para sa karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kauna-unahang Kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW), sa edad na 61, kamakailan.

Maraming tulong pa sana ang magagawa ng nasabing kalihim para sa kapakanan ng mga tinaguriang ‘Mga Bagong Bayani.’ Taglay nito ang karunungan at kaalaman ng kanyang Ama na si Ka Blas Ople, dating Kalihim ng Paggawa, na nagsilbi ng 19 na taon bilang Labor Minister ng ama ni Marcos Jr., na si Ferdinand Sr.

Sa hindi pa nakababatid, batay sa ulat, si Toots Ople, ay yumao bandang ala-una ng hapon, ika-22 ng Agosto, 2023. Maging ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nalungkot sa maikling buhay na ipinagkaloob sa kanyang kaibigan. Matatandaan na pinangalanan niya si Ople, bilang unang Kalihim ng bagong likhang DMW noong 2022.

Sa ulat sa ‘Social Media,’ inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpanaw ni Ople bilang “isang malaking kawalan” sa bansa. Ating isinalin sa tagalog ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., narito po: “Napakalungkot na balita. Nawalan ako ng kaibigan. Nawalan ng kaibigan ang Pilipinas. Si Secretary [Ople] ay isang espesyal na tao, with deep compassion, talagang para sa mga taong inalagaan niya, pangunahin sa mga migranteng manggagawa. Sinunod ni Ople ang tradisyon ng kahusayan at compassion ng kanyang yumaong ama.”

Tsk! Tsk! Tsk! Isang kawalan si Toots sa kabinete ni Marcos Jr., at higit sa buhay ng mga umaasang OFW, na sila ay makapagta-trabaho ng matatag at ligtas sa anumang panganib. Rest in Peace Secretary Toots Ople.


Panawagan ng mga guwardiya na nasa probinsya

Nakatanggap tayo ng ulat mula sa kasalukuyang kalagayan ng mga gwardiya, narito po: Katropa, Sir pwede po ba kami makahingi ng tulong sa inyo. Kung maaari po sana iparating itong aming hinaing na mga security guard, sa gobyerno, sa Congress at kay PBBM.

Nananawagan kaming mga security guard, sana po kung ng ano din ang minimum wage sa NCR, ay ganun din dito sa probinsiya. Parehas lang naman kaming mga Guwardiya, tapos maliit lang ang aming sweldo. Dito kasi mahal sa ngayon ang mga bilihin.

Sir, Sana po matulungan n’yo kami na iparating itong aming hinaing sa ating gobyerno. Kayo na lang ang pag-asa namin, Kung maaari po sana, huwag n’yo lang ipaalam ang aking apelyido. Maraming salamat po, God bless.

Tsk! Tsk! Tsk! Nawa ay makarating itong ulat ninyo sa kinauukulan, at mabigyan pansin ang inyong kahilingan. Sa mga gwardiya, Mabuhay po kayong lahat! Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments