Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBise Gobernador Castro nakiisa sa ‘2023 Singkaban Job Fair’

Bise Gobernador Castro nakiisa sa ‘2023 Singkaban Job Fair’

LUNGSOD NG MALOLOS — Isinagawa ng Bulacan Provincial Public Employment Service Office sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang “Bulacan Trabaho Services: 2023 Singkaban Job Fair” sa pagtatapos ng Singkaban Festival na ginanap sa KB Gym Capitol Compound sa nasabing lungsod.

Pinangunahan ni Bise Gobernador Alex Castro ang pormal na pagbubukas na nasabing job fair na may layunin na makapag-abot ng trabaho sa mga kababayang Bulakenyo ngayong Singkaban Festival 2023.

“Ang Bulacan Trabaho Service ngayong Singkaban Festival ay umaasang sa pamamagitan nito ang lahat ay makakuha rin ng inspirasyon upang mapahalagahan ang ating kalikasan, kasaysayan, at kultura. Maaaring ang inaasam na trabaho natin ay dito rin nagmumula. Tumingin po tayo sa ating kapaligiran at maging malikhain sa paggamit ng pamana ng ating lahi,” ani Castro

Daghdag pa ng bise gobernandor, “ang pasasalamat po ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Daniel Fernando at ng inyong lingkod “sa mga katuwang natin sa paglilingkod na national government agencies, skills trainers at private establishments.”

Samantala, ayon kay DOLE Bulacan Provincial Director May Lynn Gozun, 4,734 na trabaho ang binuksan ng 55 local employers sa 2023 Singkaban Job Fair .

Kasabay nito ang pagkakaloob ng P8.6 milyong halaga ng pangkabuhayan kits sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP. Kabilang ang 113 na binigyan ng kits sa Sewing, tig-100 Hilot at Baking & Pastry, 70 Food Processing, 22 Welding at 106 Soap Making. Sila ang mga sinanay ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office sa Blas Ople Livelihood Center sa Malolos. Bahagi ito ng programang patrabaho ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (UliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments