“ANYARE?” Ani DJ Chacha nang makita niyang ang daming unknown transactions sa kanyang credit card.
Nawindang siya at na-shock na 60-plus unknown transactions ang pumasok sa kanyang credit card.
Ang nakakaloka pa raw ayon sa radio personality, ang karamihan sa transactions ay nagmula pa sa iba’t ibang bansa.
Kinol-out niya ang attention ng bangko na nag-issue sa kanya ng credit card.
Nakisimpatiya naman ang listeners ni DJ ChaCha dahil maging ang iba raw sa mga ito ay na’-experience ang nangyari sa kanya.
Post ng DJ sa kanyang X account, “I have fought and won battles worse than this”
“Sarap ng tulog mo tapos paggising mo 60 plus unknown transactions sa ibang bansa sa credit card mo. #BDO Nyare?”
Komento naman ng netizens:
“Omg anyare.”
“We find ways… Liars and Clowns”
“Ay nakakatakot naman BDO. Kahit di na ako maka-50% off sa Bistro group, ayaw ko na sa kanya.” (UnliNews Online)