LUNGSOD NG MALOLOS — Tatlong mga residente sa nabanggit na lungsod ang nakatakdang paghatian ang milyung-milyong jackpot prize ng Megalotto 6/45 matapos itong mapalanunan nitong Lunes (Oct. 9).
Ito ang inihayag ng Philippine Charity Sweeptstakes Office (PCSO) matapos tamaan ng mga nabanggit na mananaya ang sumusunod na winning combinations: 34-41-11-01-10-07 na umabot sa P81,039,037.20 ang jackpot prize
“Three winning tickets were bought in McArhur Highway, City of Malolos, province of Bulacan,” banggit ng PCSO.
Bagama’t P81,039,037.20 ang jackpot prize, hindi nangangahulugang mag-uuwi ng tig-P27.01 milyong ang kada nanalo. Dahil ito sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
“Prizes above P10,000 are subject to 20% tax pursuant to TRAIN law,” paliwanag ng PCSO.
“All winnings should be claimed within one year from the date of the draw otherwise the same would be forfeited to form part of the Charity Fund.” (UnliNews Online)