Ni Verna Santos at Allan Roi Casipit
ANGAT, Bulacan — Nagalak ang mga hurado maging ang mga Angatenyo sa ipinamalas na talento at talino ng bawat kalahok ng Hari at Reyna ng GulayAngat sa Pageant and Coronation Night noong Miyerkules ika-18 ng Oktubre 3023 na ginanap sa New Municipal Gymnasium.
Ang hari at Reyna ay bahagi ng programang nakapaloob sa pagdiriwang ng GULAYANGAT FESTIVAL at ito ay dalawang taon ng ipinagdiriwang kaalinsabay ng 340 taong Paggunita sa Pagkakatatag ng Bayan ng Angat.
Itinanghal na Hari ng GulayAngat 2023 si Mark Luis Francisco ng Barangay Taboc na nag uwi ng halagang PHP 30,000.
At ang Reyna ng GulayAngat 2023 ay Deserie Joy Mendoza mula din sa Barangay Taboc na may premyong Php 30,000
Pasok naman sa Hari ng GulayAngat 2023 1st Runner- up si Darren Jhoshua Villarama na pambato ng Barangay Binagbag at ang Reyna ng GulayAngat 1st Runner- up ay si Marion Juliah Garrote ng Barangay Sta. Cruz na nakapag uwi ng halagang tig Php 20,000.
Wagi naman sa Hari ng GulayAngat 2023 2nd Runner- up si Roberto Maximo II mula sa Barangay Niugan at ang Reyna ng GulayAngat 2023 2nd Runner- up ay si Mary Jane Dela Cruz na panlaban ng Barangay Marungko na kapwa nabigyan ng premyo na tig 10,000 pesos.
Lubos naman pinasalamatan ni Mayor Reynante “Jowar” Bautista ang 20 kalahok at sa lahat ng mga barangay na nakiisa sa nasabing kumpetisyon. Nanawagan din si Mayor Jowar sa mga hindi pinalad na manalo na wag panghinaan ng loob at maging parte silang muli sa mga susunod pang mga patimpalak. (UnliNews Online)