Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsDisqualification case isinampa laban sa kapitan ng Brgy. Masagana sa Pandi

Disqualification case isinampa laban sa kapitan ng Brgy. Masagana sa Pandi

Tumatakbong kagawad sa Brgy. Bagong Barrio, arestado sa vote-buying

PANDI, Bulacan — Sinampahan ng disqualification case sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) noong Biyernes (Oct. 27) ang Punong Barangay ng Masagana sa naturang bayan na si Francisco “Kikoy” Ramos Sandil dahil sa umano’y malawakang vote-buying para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes.

Ang disqualification case ay inihain ni Manilyn M. Goc-Ong, residente ng Ignacio St., Purok 1, Brgy. Masagana, Pandi laban kay Kapitan Sandil na muling tumatakbo bilang kapitan ng Barangay Masagana.

Base sa sinumpaang salaysay ni Goc-Ong noong September 29, 2023, ang petitioner kasama ang ilang residente ng Barangay Masagana ay naimbitahan ni Kap. Sandil sa isang pagtitipon na ginanap sa pag-aari nitong warehouse sa Purok 4 sa nasabing barangay at isa-isa umano silang kinunan ng litrato.

Noong nakaraang Oktubre 22, 2023, kasama ang maraming residente ng Barangay Masagana ay muli silang inimbitahan ni Kap. Sandil sa nasabing warehouse at binigyan sila ng P1,000 at ID na may pangalan at precinct number nila.

Ang naturang ID umano ay magsisilbing Health Card kapag muling nahalal si Kap. Sandil bilang kapitan habang ang halagang P1,000 ay may karagdagang P2,000 sa araw ng eleksyon kapag ibinoto si kapitan.

Ang mga ID na ibinibigay ni Kapitan Francisco “Kikoy” Ramos Sandil na magsisilbi umanong Health Card kapag muling nahalal si Kap. Sandil bilang kapitan ng Masagana sa bayan ng Pandi. (Kuha ni Jason Estrada)

Ang pormal na salaysay ng petitioner na si Manilyn M. Goc-Ong ay kinatigan ng isang alias “Caloy” na sa kabila ng kanyang takot at pangamba ay naglakas-loob na dumulog sa ilang mamamahayag upang patunayan ang nagaganap na vote-buying sa Brgy. Masagana.

Si alias “Caloy” kasama ang ilang residente ng nabanggit na barangay ay kinunan umano ng larawan noong Sept. 29, 2023 sa isang warehouse na pag-aari umano ni Kap. Kikoy.

Dagdag pa ni Alias Caloy, muli silang pinatawag ni Kap. Kikoy noong Oct. 22 at ang kapitan mismo ang nag-abot ng pera kasunod ng pagsabi na paunang bigay pa lang yan dahil sa araw ng eleksyon sa Lunes ay may karagdagang P1,000 pa.

Reaksyon ng Pandi police sa vote-buying

Ayon kay Lt. Col. Rey M. Apolonio, Pandi chief of police, ay hindi nila alam ang insidente ng vote-buying sa Brgy. Masagana. Ngunit malugod nilang tinatanggap ang pagsisiwalat ng mga residente laban sa mga insidente ng pagbili ng boto.

“Bawal ang bumili at magbenta ng boto. Kailangan tapusin na kung ano man ang mga illegal na practice ng nakakaraan na pagbebenta at pamimili ng boto kapag halalan. 1-6 years ang kulong sa mapapatunayang nagbenta at bumili ng boto,” ani Apolonio.

Vote-buying sa Barangay Bagong Barrio

Dinagdag din ng hepe ng pulis na nitong Sabado ng umaga (Oct. 28), kasama ang COMELEC ay inimbitahan nila sa himpilan ng pulisya ang isang residente mula sa Barangay Bagong Barrio dahil sa umano’y vote-buying.

Base sa ulat, naaktuhan umano ng mga barangay tanod ang suspek sa aktong namimili ng boto. Narekober mula sa hawak at kontrol ng suspek ang cash money na nagkakahalaga ng P35, 840.00 sa iba’t ibang denominasyon, DSWD general intake sheets at sample ballots.

“Ang naarestong suspek ay nasa ilalim ng custodial investigation ng istasyong ito sa pakikipag-ugnayan kay Ms. Gina L. Llave, Election Officer IV, Pandi, Bulacan,” saad pa ni Apolonio. (May dagdag na ulat si Jason Estrada/UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments