Sunday, December 15, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBilang ng mga drug cleared barangay sa Bulacan umabot na sa 381

Bilang ng mga drug cleared barangay sa Bulacan umabot na sa 381

LUNGSOD NG MALOLOS — Umabot na sa 381 ang bilang ng mga drug cleared barangay sa lalawigan ng Bulacan.

Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency na tumaas ng 66.61 porsyento ang bilang mula sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa numerong ito, 35 ang slightly affected, 336 ang moderately affected, tatlo ang seriously affected, at pito ang nanatiling unaffected na mga barangay.

Nasa 33.39 porsyento na lamang ang drug affectation sa buong lalawigan.

Kaugnay nito, binigyan diin ni Gobernador Daniel Fernando na seryoso siya pagdating sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang lalawigan.

Nagpaalala rin ito sa mga law enforcement agencies na kailangang bantayan mabuti itong mga kaso ng shabu, marijuana, at cocaine.

Nagbigay rin ng direktiba si Fernando ukol sa pagsasagawa ng mga checkpoint para masuri mabuti kung may nakakalusot na mga iligal na droga papasok sa lalawigan.

Maituturing na drug cleared ang isang barangay kung ito ay mayroong functional na Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council, non-availability ng suplay ng droga, may drug awareness campaign, at may voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desk.

Ito ay sasailalim sa pagtatasa ng Regional Oversight Committee. (UnliNews Online)

Source: PIA Bulacan

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments