Tuesday, January 7, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsSeryoso ang ama ng Lalawigan ng Bulacan kontra droga

Seryoso ang ama ng Lalawigan ng Bulacan kontra droga

SERYOSO si Bulacan Gobernador Daniel R. Fernando pagdating sa pagpapanatili ng isang ligtas at mapayapang lalawigan. Ayon kay Fernando, “kailangan po nating bantayan mabuti itong mga kaso ng shabu, marijuana, at cocaine dito sa atin. Wala pa tayong ordinansa sa kasalukuyan, but I’ll give my directives regarding sa mga checkpoint para masuri mabuti kung may nakakalusot na mga iligal na droga. Marami pa po tayong gagawing mga trabaho and I hope na harapin natin ito nang maayos at katuwang natin ang isa’t isa para mapanatili ang kaayusan. Basta sa Bulacan, gawin natin ang kapayapaan, harangin natin ang lahat.”

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan ang ulat na ating nakalap, sa kanyang talumpati na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Bulacan, kamakailan. Magandang marinig mula kay Gov. Fernando na siya ay patuloy na nagmamalasakit para sa mapayapang Bulacan. God Bless you Governor.

ADVANTAGES AT DISADVANTAGES NG SOCIAL MEDIA

Ano ba ang pakinabang at desbentaha ng SOCIAL MEDIA sa kasalukuyang panahon? Ito ang nilalaman ng ulat ng isa nating tagasubaybay, na may suhestiyon na, “puwede po ba na sabihin na lang opinyon ng isang Ina ng tahanan.

Huwag na Ilagay name ko.” Okey narito po ang opinyon ng isang Ina, na nakatutulong nga ba sa mga kabataan ngayon ang paggamit o pagtingin sa internet, na kung saan ang social media ay pangunahing behikulo ngayon ng impormasyon at kaalaman?

“Sa sarili kong pananaw at observations, may mga advantages at disadvantages ito lalo na sa larangan ng edukasyon. Masasabi ko na may advantages dahil nakakatulong ito pagdating sa mga pagsasaliksik at pag aaral, mga asignatura na kailangan mag-research, at nakakatulong ng advance learning o kamulatan sa mga dapat matutunan na minsan ay hindi natatalakay sa loob ng paaralan.

Subalit dapat maging responsable tayo sa lahat ng ating papasuking site.

Dahil ang laki din ng negatibong dulot nito sa mga kabataan, lalo na ang mga games na kanilang kinagigiliwan. Isa na dito ang isang bata na hindi na normal ang tulog para sa kanyang edad. Na lagiang inaabot ng madaling araw sa paggamit ng gadget, dahil sa pagkawili nito ng laro, kung kaya kapag ito ay nasa paaralan ay wala ng focus or concentration sa lesson ang bata. Dahil ito ay antok na antok at nawawalan na ng enteres sa lesson.

Nagiging antukin at palaging nagmamadali umuwi. At minsan gusto na lang niya sa bahay, dahil doon nagagawa ang gusto niya. Kaya kung hanggat maaari bigyan ng schedule or may time limit ang paggamit ng gadget sa mga bata, at mas mabuti pa kung ang mga laro na kinahihiligan nito, ay sa malaking monitor para nasusubaybayan ng mga kasama sa bahay ang mga kinagigiliwan nitong games, upang ma-control ang oras na igugugol dito ng bata.”

Tsk!Tsk! Tsk! Kaya nasa matatanda na rin ang pagsubaybay sa kinalolokohan ngayon ng ating mga anak. Paala-ala sa ating mga masusugid na mambabasa, kung nais po ninyo na mailathala ang inyong ulat o anuman lathalain, sa kolum na ito, ay mangyaring ilagay lamang ang inyong pagkakakilanlan at numero ng inyong celpon. Bilinan po lamang ninyo ang Katropa na itago ang inyong pangalan, kung kinakailangan. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments