WALANG humpay ang pagbaba ng tulong sa mamamayan ng bayan ng San Ildefonso sa pamamagitan ng Mobile Gamutan sa pangunguna ni Mayor Fernando “Gazo” S. Galvez Jr. upang maihatid sa bawat barangay ang tulong medikal ng pamahalaang bayan.
Nais nang alkalde na sumailalim ang bawat mamamayan ng San Ildefonso sa libreng check-up upang mabigyan ng tama at libreng gamot ang mga mahal niyang kababayan at mga senior citizen.
Kabilang sa medical check-up na dala ng Mobile Pagamutan ay laboratory examinations, reading glasses, dental check-up, sanitary inspection sa barangay, health promotion activity, dedridden check-up, feeding program at vitamins para sa mga bata at buntis.
Ayon pa sa alkalde, halos lahat ng karamdaman ay may nakalaan na gamot upang sa gayun ay sumigla at malayo sa sakit ang mga kabababayan especially mga senior citizen sa nasasakupang bayan.
Nakatakdang umiikot ang Mobile Gamutan sa 36 na barangay ng nasabing bayan para bigyan ng tulong medikal ang mga mamamayan ng San Ildefonso.
Katuwang ni Mayor Gazo ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Reginell Nunez.
“Tumutok lamang sa ating official FB Page at abangan ang nakatakdang iskedyul ng inyong barangay. Tuloy-tuloy na po nating makakamtan at masasaksihan ang pag-unlad ng serbisyong pangkalusugan sa ating bayan,” ani Mayor Gazo.
Dagdag pa nito na hangad niya na mapabuti ang kalagayan ng bawat isa sa kanyang nasasakupan. Kalusugan ay kayamanan ding maituturing kaya patuloy tayong maniwala na pagkakaisa at pagkakapit-bisig ang sagot sa mas malusog at mas maayos na San Ildefonso.
Kay Mayor GAZO IKAW ANG UNA, basta kay MAYOR GAZO MAHALAGA KA! (UnliNews Online)