TUNAY nga na sulit na sulit ang ibinigay na suporta at tiwala ng mga Angatenyo sa kanilang butihing alkalde na si Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista sa ipinamalas nito na pagmamahal sa bayan at mamamayan, anila “Best Man In Action” na maituturing ang angking kasipagan ni Mayor Jowar.
Tila walang kapaguran sa paghahatid ng mga makabuluhang programa para sa kapakinabangan ng kanyang mga kababayan.
Sapagkat mahalaga ang bawat panahon at oras kay Mayor Jowar lalong higit pagdating sa larangan ng serbisyo publiko.
Kapansin-pansin ang malaking pagbabago at pag-unlad sa Bayan ng Angat sa loob pa lamang ng halos isang taon na panunungkulan ni Mayor Jowar.
Una na rito ang pangarap ng Bayan ng Angat na magkaroon ng bagong bahay pamahalaan na ngayon ay kasalukuyang itinitindig sa Barangay San Roque at nakatakda nang pasinayahan sa taong ito.
Naging makukay at masigla din ang nasabing bayan simula ng panungkulan si Mayor Jowar nabigyan ng pansin na magkaroon na ng festival ito ay ang “GULAYANGAT Festival”. na taon-taon ipinagdiriwang kaalinsabay ng pagkakatag ng Bayan ng Angat.
Kabilang din sa katuparan ng kaniyang mga pangako ay maibsan na ang dinaraanan ng mamamayan sa dalawang barangay dahil sa nagawa na alternatibong tulay na nag uugnay sa Brgy. Baybay at Brgy. Laog, Dialysis Center, MDRRMO Bldg., National Child Development Center, (NCDC), Green House, Central MRF; Angat Super Health Center, Taboc Multi Purpose Building, Pag renovate ng Municipal Gymanasiumn at maraming pang mga nakaabang na proyekto isa na rito ang pambulikong ospital na matagal na panahon ng inaasam asam ng mga Angatenyo.
Dahil sa mahusay na pamamahala ng administrasyon JowArvin ay umani ng mga parangal ang Bayan ng Angat. Nakamit nito ang 2023 Seal of Good Financial Housekeeping mula sa Department of the Interior and Local Government, 2023 Seal of Good Local Governance, National Disaster Resilience Champion Awards,Gawad Kalasag Seal of Excelence-Fully Compliant at Huwarang Palengke 2023 (2nd Place) Small Market Category, 7th Most Improved Municipality.
Patuloy pa rin ang pagbaba ng mga programa kamakailan ay inilunsad ang ‘Munisipyo sa Barangay’ upang makapagbigay ng serbisyo sa pamayanan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng gamutan.
Asenso at Reporma naganap na! Mga pangako at pangarap binigyang katuparan, ‘di mekus-mekus lang…
Keep up the good work po, Mayor Jowar Bautista at sa pakikiisa ng Sangguniang Bayan ng Angat sa pangunguna ni Vice Mayor Arvin Agustin.
Ang katuparan ng mga pangako ay makakamit basta’t sama-sama at nagkakaisa. (UnliNews Online)